Ang history ng pagbabago ay nagbibigay ng talaan ng mga pagbabagong ginawa sa isang account sa loob ng nakaraang 2 taon.
Tingnan ang history ng pagbabago
Sa Admin, sa ilalim ng Account o Property, i-click ang History ng pagbabago ng account o History ng pagbabago ng property.
Inililista ng history ng pagbabago ang:
- Oras: Ang petsa at oras ng aktibidad
- Uri ng lokasyon: ang account o property sa Analytics kung saan nangyari ang pagbabago
- Pangalan ng lokasyon: ang pangalan ng account o property sa Analytics kung saan nangyari ang pagbabago
- Uri ng item: ang uri ng item na binago, gaya ng stream ng data o link sa Google Ads
- Pagkilos: ang pagbabago, gaya ng paggawa o pagbabago, na ginawa sa item
- Binago ni: Sinong user ng Analytics ang nagsagawa ng aktibidad.
Nakukuha rin ng history ng pagbabago ang ilang naka-automate na pagbabago ng system.
Isinasaad ng mga entry na naka-attribute sa [na-delete na user] na hindi makuha ng Analytics ang isang email address dahil na-delete na ang Google account para sa user na gumawa sa pagbabago.
Itakda ang hanay ng petsa
Gamitin ang menu na Hanay ng petsa para pumili ng isa sa mga naka-predefine na hanay ng petsa o magtakda ng custom na hanay ng petsa.
Ginagamit ng hanay ng petsa ang time zone ng iyong operating system.
I-filter ang mga content
- Gamitin ang menu na Lokasyon para piliin ang account o property na gusto mong makita ang mga pagbabago.
- I-click ang Higit pang filter para magbukas ng mga karagdagang opsyon para sa pag-filter.
- Gamit ang "Anumang uri ng item," mapipili mo ang mga uri ng item na gusto mong isama.
- Gamit ang “Anumang aksyon,” mapipili mo ang mga aksyong gusto mong isama.
- Gamit ang "Binago ni," makakapaglagay ka ng isa o higit pang email address ng mga user na gusto mong isama ang mga pagbabago.
- I-click ang Ilapat.
Maghanap ng mga content
Gamitin ang field ng paghahanap sa itaas ng talahanayan para maghanap ng mga content ayon sa alinman sa mga uri ng data na nakalista sa mga column, gaya ng petsa, pangalan ng lokasyon, at uri ng item.
Maglagay ng mga petsa gamit ang format na pareho sa mga entry ng column.
Puwede kang maghanap gamit ang mga hindi kumpletong string gaya ng unang dalawang titik ng isang buwan o ilang titik mula sa email address ng isang user.
Tumingin ng mga karagdagang detalye
Sa row para sa isang indibidwal na pagbabago, i-click ang para tingnan ang mga karagdagang detalye, halimbawa, ang mga status ng account o property bago ang pagbabago at pagkatapos ng pagbabago. Ipinapakita ng mga karagdagang detalye ang representasyon ng Admin-API ng object.