I-on ang Pinahusay na Ecommerce para sa isang view

Upang i-on ang Pinahusay na Ecommerce para sa isang view, at lagyan ng label ang iyong mga hakbang sa pag-checkout:

  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. I-click ang Admin, at mag-navigate sa view kung saan mo gustong i-on ang Pinahusay na Ecommerce.
  3. Sa column na VIEW, i-click ang Mga Setting ng Ecommerce.
  4. Sa ilalim ng Hakbang 1, I-enable ang Ecommerce, itakda ang status sa NAKA-ON.
  5. I-click ang Susunod na hakbang.
  6. Sa ilalim ng Hakbang 2, Mga Setting ng Pinahusay na Ecommerce, itakda ang status sa NAKA-ON.
    Kapag in-on mo ang opsyong ito:
    • Maaari mo nang makita ang mga ulat ng Pinahusay na Ecommerce reports sa seksyon nag Mga Conversion
    • Hindi na makikita ang iba at mas lumang kategorya ng mga ulat sa Ecommerce.
    Maaari mong i-off ang opsyong ito upang ipanumbalik ang mas lumang kategorya ng mga ulat sa Ecommerce.
  7. Opsyonal, ilagay ang mga label para sa mga hakbang sa pag-checkout na tinukoy mo sa iyong ec.js na pagta-tag. Ang mga label na ito ay para sa mga layunin ng pagpapakita lang, upang makakagawa ang Analytics ng makabuluhang funnel visualization ng iyong path ng pag-checkout.

    Mag-click ng funnel step, maglagay ng pangalan ng label, pagkatapos ay i-click ang Tapos na. Ulitin para sa bawat hakbang na tinukoy mo sa iyong pag-tag.

    Lumalabas ang mga pangalan ng label sa ulat sa Gawi sa Pag-checkout (hal., Mag-log In/Gumawa ng Account, Padadalhang Address, Impormasyon sa Pagsingil, Suriin ang Order, Ilagay ang Order).
  8. I-click ang Isumite.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17764307803626767428
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false