Tungkol sa ulat sa Daloy ng Layunin

Ilarawan ang iyong mga conversion ng layunin.

Ipinapakita ng ulat sa Daloy ng Layunin ang path na dinaanan ng iyong trapiko sa pamamagitan ng isang funnel patungo sa isang conversion ng Layunin. Makakatulong ang ulat na ito na makita kung nagna-navigate ang mga user sa iyong content tulad ng inaasahan, o kung may mga problema, tulad ng mga mataas na rate ng pagbaba o hindi inaasahang loop.

Sa artikulong ito:

Mga paunang kinakailangan ng Daloy ng Layunin

Dapat kang mag-set up ng mga layunin upang magamit ang ulat sa Daloy ng Layunin, at dapat mong pagsamahin ang mga layunin at Funnel para sa mas mahusay na impormasyon.

Pag-access ng ulat sa Daloy ng Layunin

Upang makita ang ulat sa Daloy ng Layunin:

  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. Mag-navigate patungo sa iyong view.
  3. Buksan ang Mga Ulat.
  4. Piliin ang Mga Conversion > Mga Layunin > Daloy ng Layunin.

Ano ang maaari kong gawin sa ulat sa Daloy ng Layunin?

Gamitin ang ulat sa Daloy ng Layunin upang siyasatin ang mga tanong tulad ng:

  • Saan pumapasok ang mga user sa aking funnel— sa unang hakbang, o lumalaktaw sila sa isang bahagi sa gitna?
  • Marami bang hindi inaasahang paglabas mula sa isang hakbang sa gitna ng funnel?
  • May bahagi ba kung saan bumabalik ang trapiko?
  • May segment ba ng trapiko na kumikilos ng naiiba kaysa sa iba pang segment? Malamang na ba mag-convert ito o hindi?

Kung iba ang pagkilos ng isang segment ng trapiko kaysa sa gusto mo sa anumang partikular na hakbang, tingnnan ang content na iyon. Maaari kang makakita ng element na hindi nagre-render nang maayos o maaari mong mapansin na ang pag-navigate mula sa pananaw ng user ay naiiba sa kung ano ang iyong inaasahan noong na-set up mo ang iyong funnel. Pagkatapos ng pagsusuri at paggawa ng anumang mga kinakailangang pagwawasto, balikan ang Ulat sa Daloy ng Layunin pagkalipas ng ilang linggo upang makita kung napataas ba ng mga pagbabagong iyong ginawa ang rate ng conversion para sa partikular na layuning iyon.

Mga limitasyon ng ulat sa Daloy ng Layunin

Hindi magkapareho ang pagpoproseso sa data ng layunin at karaniwang data ng Analytics. Matuto pa tungkol sa mga feature na may hindi karaniwang pagpoproseso ng data.

Mga susunod na hakbang

Ipagpalagay na nakagawa ka na ng hindi bababa sa isang 1 layunin at nakakolekta ka na ng ilang data para dito, i-access ngayon ang ulat sa Daloy ng Layunin at mag-explore. Para sa impormasyon tungkol sa kung paano i-configure ang ulat at gamitin ang iba't ibang opsyon sa paglalarawan, basahin ang Paggamit ng mga ulat sa Daloy

Kapag may pangkalahatang ideya ka na sa kung paano gumagana ang ulat sa Daloy ng Layunin, basahin ang mga "Halimbawa" na artikulo sa paksang ito upang makita ang ilang partikular na rekomendasyon sa paggamit ng ulat upang i-optimize ang iyong content at mag-troubleshoot ng mga isyu.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11543770805579771095
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false