Suriin ang iyong data gamit ang Daloy ng Mga User

Tumingin ng mga partikular na halimbawa kung paano maaaring magbigay sa iyo ang ulat sa Daloy ng Mga User ng mga insight sa iyong data.

Inilalarawan ng artikulong ito ang ilang paraan upang gamitin ang ulat sa Daloy ng Mga User upang maghambing ng mga dami ng trapiko mula sa iba't ibang pinagmulan, suriin ang mga pattern ng trapiko sa iyong site, at i-troubleshoot ang pagiging mabisa ng iyong site.

Sa artikulong ito:

Paghambingin ang dami ng trapiko at mga channel ng marketing

Maaari kang maghambing ng mga magkaugnay na dami ng trapiko mula sa iba't ibang pinagmulan sa loob ng parehong dimensyon, halimbawa, ang trapiko mula sa iba't ibang search engine, campaign o medium. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga pangkalahatang paghahambing na gumawa ng ilang paunang pagtukoy tungkol sa kung aling mga channel ang pinakamahusay o nagbibigay ng pinakamagandang pagbalik.

Halimbawa, kung ang isang campaign ay naghahatid ng higit na nakararaming trapiko kaysa sa isa pa, maaari kang maglipat ng mga mapagkukunan upang gawing mas nakikita ang mas matagumpay na campaign. O kung ang isang medium, tulad ng email o cpc, ay mas mahusay na gumaganap sa iba, maaari kang mas mamuhunan sa medium na iyon.

Halimbawa ng Daloy ng Mga User kung saan pinili ang dimensyon ng Campaign
Halimbawa ng Daloy ng Mga User kung saan pinili ang dimensyon ng Campaign

Kung makita mo na gumaganap ang isang pinagmulan nang mas mahusay sa iba pagdating sa dami ng trapiko, maaari mong pag-aralan ang trapikong iyon nang mas masinsinan sa pamamagitan ng pagtingin sa isang segment lang na iyon. I-click ang panimulang node ng dimensyon sa unang column, pagkatapos ay i-click ang Tingnan lang ang segment na ito. (Naiiba ito sa paglalapat ng batay sa user o batay sa session na Segment, tulad ng inilalarawan sa ibaba).

Kapag ang trapikong iyon lang ang nakikita, makikita mo kung sinusunod ng mga user na iyon ang mga path sa iyong site na gusto mong gamitin nila, kung sapat ang bilang ng mga user na nakakaabot sa iyong mga screen ng Layunin at kung saan sila umaalis sa iyong site.

Pinuhin ang iyong pagsusuri sa Mga Segment

Bilang karagdagan sa pagtingin lang ng trapiko mula sa isang partikular na pinagmulan, mapipino mo pa ang iyong view sa pamamagitan ng paglalapat ng Segment. Halimbawa, kung tumitingin ka ng trapiko mula sa isang partikular na bansa, maaari mong gamitin ang mga opsyon ng Kundisyon ng tagabuo ng Segment upang ipakita lang ang mga user mula sa bansang iyon na nakumpleto rin ang isang partikular na Layunin o gumastos ng ilang partikular na dolyar. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga opsyon tulad nito, magagawa mong tumuon sa isang lubos na partikular na elemento ng iyong audience.

Nilalapat ang isang advanced na segment
Paglalapat ng Segment

Sukatin ang pakikipag-ugnayan

Depende sa layunin ng iyong site, maaari mong malaman kung ilang page ang pinuntahan ng mga user pagkatapos ng unang page. Direkta ba silang pumunta sa checkout mula sa mga page ng produkto nang walang dagdag na binili? Nagbasa ba sila ng mga artikulong tungkol sa U.S. at World News, ngunit hindi sa Pulitika o Entertainment?

Magsimula sa pamamagitan ng pagtukoy sa minimum na pakikipag-ugnayang gusto mong makita mula sa mga user. Ipinapakita ng Daloy ng Mga User ang unang tatlong pakikipag-ugnayan bilang default, at kasalukuyang sumusuporta ng hanggang sa walo. Magdagdag ng mas maraming hakbang kung ng kinakailangan upang makamit ang iyong minimum na kinakailangan. Kapag naidagdag mo na ang kinakailangang bilang ng mga hakbang, maki-click mo na ang panimulang node ng dimensyon at gamitin ang opsyon na I-highlight ang trapikong dadaan dito upang makita kung umabot ang trapiko mula sa pinagmulang iyon sa iyong minimum na limitasyon sa pakikipag-ugnayan (halimbawa, apat o limang pakikipag-ugnayan).

Hina-highlight ang trapiko sa pamamagitan ng Daloy ng Mga User
Pagha-highlight ng trapiko sa pamamagitan ng Daloy ng Mga User

Bilang karagdagan sa pagsusukat ng antas ng pakikipag-ugnayan, makikita mo rin kung gaano nabasawan ang trapiko habang umuusad ang mga user sa iyong site. Kung hindi nakakausad ang mga user gaya ng inaasahan mo, o kung mas mabilis nababawasan ang trapiko kaysa sa gusto mo, maaari mong pag-isipang muling idisenyo ang pag-navigate sa iyong site o ang graphic design nito upang mas madaling makapagpalipat-lipat sa mga page, magdagdag ng mga karagdagang call to action, tulad ng mga teaser para sa mga nauugnay na artikulo o produkto, o muling gawin ang content ng iyong site upang mas matugunan ang mga insteres ng iyong audience.

I-explore ang iyong content

Nagbibigay-daan sa iyo ang Daloy ng Mga User na sumuri ng ilang isyu na nauugnay sa content.

Pagsusuring A/B

Kung sumusubok ka ng magkakaibang bersyon ng isang web page, at ang bawat bersyon ay may sariling URL, makikita mo kung alin sa mga ito ang mas mahusay na nakakagawa ng mga layunin tulad ng paghihikayat ng pakikipag-ugnayan sa site, o pag-funnel ng trapiko patungo sa isang page ng layunin.

Browser at Resolution ng Screen

Gamitin ang Browser o Resolution ng Screen bilang panimulang dimensyon upang makita mo kung naibabahagi ang trapiko sa mga browser o resolution ng screen tulad ng inaasahan mo, at upang makita kung may mga page na nakakaranas ng hindi pangkaraniwang pagbaba sa isang partikular na browser o resolution ng screen. Kung may mapansin kang malaking pagbaba mula sa isang page, maaaring hindi ito nagre-render nang maayos sa browser o sa resolution na iyon. Halimbawa, maaaring hindi nagre-render nang tama ang iyong page sa isang mobile browser o sa isang mas maliit na resolution, na nagiging sanhi na hindi maging available o hindi madaling makita ang mga link o button.

Pagsusuri ng Path

Mayroon bang mga path sa iyong site na mas sikat sa iba pa, at kung mayroon, iyon ba ang mga path na gusto mong sundin ng trapiko? Maaaring may napagpasyahan ka nang path para sa iyong mga user gaya ng Home Page > Page ng Produkto > Shopping Cart > Checkout, ngunit maaari kang makatuklas ng mas sikat na path gaya ng Home > Produkto > Paghahanap > Mga Resulta ng Paghahanap > Paghahanap > Mga Resulta ng Paghahanap > paglabas. Ang hindi inaasahang path na iyon ay maaaring maging senyales ng mga bagay gaya ng hindi nahahanap ng mga user ang mga produktong gusto nila, o nagbabalik ang iyong internal na paghahanap ng mga resultang hindi kapaki-pakinabang.

Maaaring may matuklasan ka ring bagay tulad ng isang hindi pangkaraniwang mataas na pagbaba mula sa isang bagong page na iyong inilagay, tulad ng isang bagong home page o page ng bagong produkto. Siyasatin kung maaaring itinatago ng disenyo ng bagong page ang mga link o kontrol na nagbibigay-daan sa daloy ng trapiko patungo sa mga page na gusto mong makita nila sa susunod.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Pumili ng sarili mong learning path

Tingnan ang google.com/analytics/learn, isang bagong resource para tulungan kang sulitin ang Google Analytics 4. Makakakita sa bagong website ng mga video, artikulo, at may gabay na flow, at may mga link ito sa Discord ng Google Analytics, Blog, channel sa YouTube, at repository sa GitHub.

Magsimulang matuto ngayon!

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15832511151844595029
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false