Reports

[GA4] Overview na ulat sa Pagkuha

Ang overview na ulat sa Pagkuha ay isang nagawa nang overview na ulat na nagbubuod sa iyong data ng pagkuha. Makakatulong sa iyo ang ulat na malaman kung nakakahimok ng mga bagong user sa website o app mo ang iyong mga pagsisikap sa marketing, kung nakakapagpabalik ng mga tao ang mga campaign sa re-engagement mo, at kung dapat mong ipagpatuloy o i-adjust ang iyong mga strategy sa marketing.

Lumalabas ang ulat sa kaliwa sa Koleksyon ng life cycle. Hindi mo makikita ang ulat sa Koleksyon ng mga layunin sa negosyo bilang default, pero puwedeng idagdag ng isang editor o administrator ang ulat sa iyong kaliwang navigation.

How to find where your users are coming from using Acquisition Reports in Google Analytics 4

Tingnan ang ulat

  1. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Mga Ulat Mga Ulat.
  2. Sa kaliwa, i-expand ang Pagkuha sa Koleksyon ng life cycle.
  3. I-click ang Pangkalahatang-ideya ng Pagkuha.

Mga nagawa nang card ng buod

Kasama sa overview na ulat sa Pagkuha ang mga sumusunod na card ng buod bilang default. Puwedeng baguhin ng mga administrator at editor ang mga card para makakita ka ng iba't ibang card mula sa mga ito.

Mga User at Mga bagong user

Ipinapakita ng Mga User ang kabuuang bilang ng mga user na bumisita sa iyong website o app. Ipinapakita ng value sa tab ang kabuuang bilang ng mga user sa isang tinukoy na yugto ng panahon, habang ipinapakita naman ng mga indibidwal na data point ang bilang ng mga user para sa araw na iyon.

Ipinapakita ng Mga bagong user ang bilang ng mga user na bumisita sa iyong website o app sa unang pagkakataon. Ipinapakita ng value sa tab ang kabuuang bilang ng mga bagong user sa tinukoy na yugto ng panahon, habang ipinapakita ng mga indibidwal na data point ang bilang ng mga bagong user para sa araw na iyon.

Mga user sa nakalipas na 30 minuto

Ipinapakita ng Mga user sa nakalipas na 30 minuto ang aktibidad habang nangyayari ito gamit ang data mula sa Realtime na ulat. Ipinapakita ng unang kalahati ng card ang kabuuang bilang ng mga user sa loob ng nakaraang 30 minuto at ang bilang ng mga user sa loob ng nakaraang 30 minuto bawat minuto.

Kasama sa pangalawang kalahati ng card ang realtime na aktibidad para sa isang kaugnay na dimensyon. Halimbawa, posibleng ipakita ng overview na ulat sa Engagement ang mga nangungunang page at screen na binibisita ngayon ng Mga user, habang posible namang ipakita ng overview na ulat sa Mga attribute ng user ang mga nangungunang bansa kung saan mula ang mga user na bumibisita ngayon.

Mga bagong user ayon sa Default na grupo ng channel ng unang user

Ipinapakita ng Mga bagong user ayon sa Default na grupo ng channel ng unang user ang bilang ng mga user na hindi pa nakakabisita sa iyong website o app kahit kailan na nakakategorya ayon sa default na grupo ng channel. Pinagbubukod-bukod ang data ayon sa mga default na grupo ng channel na may pinakamaraming bagong user.
Puwede mong piliin ang "Default na grupo ng channel ng unang user" para makapili sa iba pang dimensyon ng source ng trapiko, kasama ang "Source ng unang user" at "Medium ng unang user."
Puwede ka ring mag-hover sa mga dimensyon at sukatan para matuto pa tungkol sa ipinapakitang data, o puwede kang mag-click sa "Tingnan ang user acquisition" para magbukas ng ulat ng detalye na naglalaman ng mas maraming data.

Mga session ayon sa Default na grupo ng channel ng session

Ipinapakita ng Mga session ayon sa Default na grupo ng channel ng session ang bilang ng mga bagong session sa iyong website o app na nakakategorya ayon sa default na grupo ng channel. Pinagbubukod-bukod ang data ayon sa mga default na grupo ng channel na bumuo ng pinakamaraming bagong session.
Puwede mong piliin ang "Default na grupo ng channel ng session" para makapili sa iba pang dimensyon ng source ng trapiko, kasama ang "Source ng session" at "Medium ng session."
Puwede ka ring mag-hover sa mga dimensyon at sukatan para matuto pa tungkol sa ipinapakitang data, o puwede kang mag-click sa "Tingnan ang pagkuha ng trapiko" para magbukas ng ulat ng detalye na naglalaman ng mas maraming data.

Mga session ayon sa Google Ads campaign ng session

Ipinapakita ng Mga session ayon sa Google Ads campaign ng session ang bilang ng mga bagong session sa iyong website o app na nakakategorya ayon sa Google Ads campaign. Pinagbubukod-bukod ang data ayon sa mga campaign na bumuo ng pinakamaraming bagong session.
Puwede mong piliin ang "Google Ads campaign ng session" para makapili sa iba pang dimensyon ng source ng trapiko, kasama ang "Pangalan ng ad group sa Google Ads ng session" at "Text ng keyword sa Google Ads ng session."
Puwede ka ring mag-hover sa mga dimensyon at sukatan para matuto pa tungkol sa ipinapakitang data, o puwede kang mag-click sa "Tingnan ang mga Google Ads campaign" para magbukas ng ulat ng detalye na naglalaman ng mas maraming data.

Panghabambuhay na halaga

Ipinapakita ng panghabambuhay na halaga ang average na kinita mula sa mga bagong user sa loob ng kanilang unang 120 araw. Makakatulong sa iyo ang chart na tukuyin kung gaano kahalaga ang mga user batay sa dagdag na kinikita mo. Halimbawa, bumili ang isang user ng shirt at pagkatapos ay bumili siya ng pantalon sa susunod na linggo. Kasama sa panghabambuhay na halaga (lifetime value o LTV) ang dalawang pagbili, at tinutukoy nito ang pangkalahatang tagumpay ng pagkuha.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7017762822013570324
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false