Update sa patakaran sa Iba pang pinaghihigpitang negosyo (Oktubre 2020)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

 

Sa Oktubre 2020, ia-update ang patakaran sa Iba pang pinaghihigpitang negosyo ng Google Ads para paghigpitan ang paghahatid ng pag-advertise ng Pagkain at/o Mga Inuming Hindi Nakakalasing (Food and/or Non-Alcoholic Beverage o F&B) na May Mataas na Antas ng Fat, Asukal, o Asin (High Fat Sugar Salt o HFSS) para sa mga menor de edad sa United Kingdom at European Union tulad ng inilarawan sa ibaba. Sisimulan naming ipatupad ang patakaran sa Oktubre 6.

Sinusuportahan namin ang responsableng pag-advertise ng pagkain at mga inumin. Pinapayagan ang mga HFSS F&B ad at destinasyong site kung sumusunod ang mga ito sa mga patakaran sa ibaba at hindi nagta-target ng mga menor de edad. Hindi nilalayon ng impormasyong ipinapakita sa patakarang ito na magsilbing legal na payo at inaasahan naming susunod ang lahat ng advertiser sa mga lokal na batas para sa anumang rehiyong tina-target ng kanilang mga ad, kasama ang mga lokal na kinakailangang posibleng naiiba sa patakaran sa HFSS F&B na ito. 

Kinakailangang ideklara mismo ng mga advertiser na gumagamit sila ng account na nagpapagana ng mga campaign ng HFSS F&B, at ang lahat ng creative na nasa account na iyon ay mapapailalim sa mga paghihigpit ng patakaran sa HFSS F&B. Para sa kusang pagdedeklara, pakigamit ang form dito.

Itinuturing naming nagpo-promote ng pagbebenta ng mga HFSS na produkto ang mga ad kapag may isa o higit pang HFSS na pagkain, inumin, o meal na pino-promote sa creative ng ad (text, koleksyon ng imahe, audio, at/o video) o sa destinasyong site. 

Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng mga F&B na produkto (hindi kumpleto) na itinuturing na HFSS, maliban na lang kung naglalaman ang creative ng ad o destinasyong site ng impormasyon tungkol sa nutrisyon na nagsasaad na pasok ang mga produkto sa pinapayagang limitasyon para sa FSS at laki ng serving/mga calorie sa serving, o kung nagtagumpay ang apela ng advertiser. Para sa mga kumpletong limitasyon sa nutrisyon para sa mga poduktong HFSS F&B, pakitingnan ang talahanayan sa ibaba.

Ang mga ito ay ilang halimbawa ng HFSS F&B: 

  • Mga pinatamis na inumin (soft drink, tubig, juice, kape, tsaa, o sports drink na may dagdag na asukal o iba pang caloric sweetener), energy drink
  • Mga doughnut, cake, matatamis na biskwit, pastry, croissant, matatamis na bakery treat
  • Mga de-latang prutas na may syrup, pinatuyong prutas na may karagdagang asukal
  • Mga palaman na gawa sa tsokolate at nut, trail mix o nut bar na may tsokolate o candy, mga nut na may balot na candy o honey
  • Mga Milkshake 
  • Sausage/mga hot dog na gawa sa karne ng baboy at baka, salami, prosciutto, bacon, pritong karne, pritong isda
  • Pizza, mga hamburger meal na may fries, pritong pagkain (tulad ng mga jalapeno popper)
  • Candy, tsokolate, matatamis, mga confection na gawa sa asukal, mga gummy snack, ice cream, mga marshmallow
  • Mantikilya, asin, mga caloric sweetener (hal., maple syrup, agave, honey, asukal), coconut oil
Mga halimbawa ng mga ad na hindi saklaw ng patakarang ito:
  • Mga ad o destinasyong site na mayroon lang text, koleksyon ng imahe, audio, at/o video, atbp. ng mga pagkain, inumin, at meal na hindi HFSS. Kasama sa mga halimbawa ng hindi HFSS F&B ang (hindi kumpleto): 100% juice; plain na nakaboteng tubig; carbonated na tubig at tubig na may lasa pero walang dagdag na asukal o sweetener; mga inuming naglalaman LANG ng tubig at 100% juice (hal., tinunaw na juice); kape at tsaang hindi pinatamis; plain na gatas na mababa o walang fat; mga butil na walang dagdag na sangkap; mga sariwa o frozen na prutas at gulay; mga tuyong bean at lentil; mga de-latang prutas na may tubig o 100% juice; mga plain na nut at buto; mga nut at pinatuyong prutas na walang dagdag na asin o asukal; plain na yogurt na mababa o walang fat at walang dagdag na asukal; plain na isda, poultry, mga itlog, o karne (walang dagdag na asin, fat, asukal); mga plain na harina; baking soda; baking powder; olive oil; canola oil
  • Mga ad o destinasyong site ng kumpanya ng pagkain o inumin na walang text, koleksyon ng imahe, audio, at/o video, atbp. ng anumang HFSS na pagkain at inumin, tulad ng:
  • Logo ng brand o pangalan ng kumpanyang ipinapakita sa sitwasyong may kaugnayan sa sponsorship o kawanggawa, ibig sabihin, “Na-sponsor ng o hatid sa iyo ng [pangalan ng kumpanya]”
  • Mga website na locator ng restaurant
  • Mga website na nagre-review ng restaurant
  • Mga serbisyo sa delivery mula sa restaurant
  • Mga ad o mga destinasyong site na nagtatampok ng isa o higit pang produktong HFSS F&B, para mag-promote ng produkto o serbisyong hindi nauugnay sa F&B, tulad ng: 
  • Trailer para sa isang palabas sa pag-bake
  • Advertisement para sa turismo 
  • Mga ad para sa mga kagamitang panlinis ng kusina
  • Mga ad o destinasyong site na nagtatampok ng isa o higit pang produktong HFSS F&B, para mag-promote ng mensahe ng PSA tungkol sa masusustansyang diyeta at pagkain 

Epekto ng patakaran

Malalapat ang update na ito sa patakaran sa lahat ng HFSS F&B ad na inihahatid sa UK at EU sa Google Display Network at YouTube. Ang mga ad na nasa mga account na nagdeklara sa kanilang mga sarili bilang HFSS F&B at nakatanggap ng label na HFSS ay ihahatid lang sa mga user na 18 pataas ang idineklarang edad.

Ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran

  • Kung mapag-alaman naming nagpagana ka ng ad para sa isang HFSS F&B na produkto (o para sa isang produktong hindi makumpirma ang HFSS status dahil sa kawalan ng impormasyon tungkol sa nutrisyon) sa labas ng account na nagdeklara sa sarili bilang HFSS F&B, makakatanggap ka ng notification na pinaghigpitan ang ad sa paghahatid sa mga menor de edad sa UK at EU tulad ng inilarawan sa itaas. Kung gusto mong iapela ang desisyon, dapat kang magsagawa ng mga pagbabago o magsumite sa amin ng impormasyon tungkol sa nutrisyon para patunayan ang iyong posisyon.
  • Puwedeng hindi aprubahan ang mga ad at extension na lumalabag sa patakarang ito. Paghihigpitan ang hindi inaprubahang ad hanggang sa maayos ang paglabag sa patakaran at maaprubahan ang ad.

Paano mag-ayos ng paglabag

  • Kung nakatanggap ka ng abisong nilabag ng isa o higit pa sa iyong mga advertisement ang patakaran sa HFSS F&B, pakibisita ang page ng tulong at tiyaking pasok sa mga alituntunin sa sustansya ang lahat ng produktong ina-advertise mo sa pamamagitan ng iyong mga ad at destinasyong site.
  • Kung gusto mong mag-advertise ng mga produktong may HFSS, kinakailangan ng Google na ideklara mo mismong saklaw ang mga ito ng HFSS F&B.
  • Kung gusto mong isang subset lang ng mga ad ang paghigpitan, kinakailangan mong gumawa ng hiwalay na account at ideklara mo mismong para sa HFSS F&B ang account na iyon.
  • Kung naniniwala kang hindi dapat nalagyan ng label ang iyong mga ad bilang HFSS F&B, magsumite ng apelang may impormasyon tungkol sa nutrisyon para kumpirmahing hindi saklaw ng HFSS F&B ang mga ad.

Pakisuri ang patakarang ito para tukuyin kung may mga ad ka bang saklaw ng patakarang ito o wala, at kung mayroon, ideklara mo mismo ang mga ad na iyon bago ang Oktubre 6 dito.

Kailangan mo ba ng tulong?

Profile ng Nutrisyon para sa HFSS F&B ng Google

Inilalapat ang mga antas ng sustansya sa batayang bawat 100 gramo at bawat serving para sa pandaigdigang applicability at para ipakita ang mga karaniwang laki ng may label na serving at mga antas ng calorie para sa meal at mga bahagi ng meal. Kung hindi malapit na tumutugma ang laki ng serving ng iyong ina-advertise na pagkain o inumin sa nakalistang laki ng serving (listed serving size o LSS), pakisuri ang iyong produkto gamit ang mga pamantayan para sa bawat 100 gramo.

 

Pagkain at Inumin

BAWAT

Sat fat (g)

Sodium (mg)

Kabuuang asukal (g)

Karagdagang asukal (g)

Mge Calorie

Mga Inumin

           

Lahat ng inumin maliban sa gatas

LSS (tinatantyang 8 oz)

N/A

105 mg

N/A

0

N/A

100 g

N/A

46 mg

0

             

Mga grain/tinapay

           

Tinapay, mga produktong tinapay, noodles, bigas, mga grain, mga pancake

LSS (tinatantyang 100g)

2

360

10

N/A

N/A

100 g

2

360

10

             

Mga breakfast cereal

LSS (tinatantyang 30g)

1.5

250

6.75

N/A

N/A

100 g

5

625

22.5

             

Mga prutas, gulay, at legume

           

Mga pinrosesong prutas, gulay, at legume

LSS (tinatantyang 90g)

2

350

N/A

0

N/A

100 g

2.2

390

0

             

Mga nut at buto

           

Mga nut at buto

LSS (tinatantyang 30g)

3.5

130

4

N/A

N/A

100 g

12

430

13

             

Dairy

           

Mga gatas at alternatibo sa gatas

LSS (tinatantyang 8 oz/245 g)

5

200

22

N/A

N/A

100 g

3

82

9

             

Keso at mga produktong keso

LSS (tinatantyang 30 g)

3

228

N/A

N/A

N/A

100 g

10

760

             

Yogurt at mga produktong uri ng yogurt

LSS (tinatantyang 170 g)

5

136

19

N/A

N/A

100 g

3

80

11.5

             

Karne, isda, itlog, mga pamalit sa poultry at karne

           

Pinrosesong karne, poultry, isda, mga itlog, at mga alternatibo

LSS (tinatantyang 50g)

2

335

N/A

N/A

N/A

100 g

4

670

             

Mga meal at bahagi ng meal

           

Mga handa nang putahe at pampagana

<315 calorie (tinatantyang 140 gramo)

5

545

14

N/A

315

100 g

4

390

10

225

             

Kumpletong meal

<510 calorie (tinatantyang 300 g)

6.6

660

18

N/A

510

100 g

2.2

220

6

200

             

Mga meryenda at treat

           

Mga meryenda at treat

<150 calorie (tinatantyang 30g)

1.5

120

6.75

N/A

150

100 g

5

400

22.5

500

             

Mga sauce, pampalasa, at sangkap sa pagluluto

           

Mga sauce, pampalasa, at sangkap sa pagluluto

LSS (tinatantyang 30g)

2

135

1.5

N/A

N/A

100 g

6.6

450

4.9

             

 

(Na-post noong Agosto 2020)

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5097972530712679276
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false