Update sa patakaran sa Customer Match (Oktubre 2018)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Simula sa Oktubre 22, ia-update ang aming patakaran sa Google Ads para magsama ng mga karagdagang kinakailangan para sa mga advertiser na gumagamit ng Customer Match para magpakita ng sapat nang nabuong history ng Google Ads account. Ang mga advertiser account ay dapat may:

  • Magandang history ng pagsunod sa patakaran
  • Magandang history ng pagbabayad
  • Hindi bababa sa 90 araw na history sa Google Ads
  • Mahigit USD 50,000 na kabuuang panghabambuhay na nagastos 

Ang mga advertiser na kasalukuyang gumagamit ng Customer Match ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang nakatalagang account manager o sa Google Support para suriin kung nakakatugon sila sa mga kinakailangan sa history ng account at maipagpapatuloy nila ang paggamit ng Customer Match. 

Simula sa Oktubre 22, hindi na makakagamit ng Customer Match ang mga advertiser na hindi nakakatugon sa mga bagong kinakailangan. Sa panahong ito, maaaring huminto sa paggana para sa mga advertiser na ito ang mga campaign na gumagamit ng Customer Match.

Pagkalipas ng Oktubre 22, kakailanganin ng mga advertiser na gustong magsimulang gumamit ng Customer Match na makipag-ugnayan sa kanilang nakatalagang account manager para tukuyin kung kwalipikado sila para ipa-enable ang Customer Match para sa kanilang account. Hindi magiging kwalipikadong gumamit ng Customer Match ang mga advertiser na hindi pa nakakagamit ng Customer Match. Sa hinaharap, mag-aalok kami ng proseso ng aplikasyon para sa mga advertiser na nakakatugon sa mga kinakailangan sa account at gustong humiling ng access sa Customer Match. Magbibigay ng anunsyo kapag naging available na ang proseso ng aplikasyon. 


Malalapat ang patakarang ito sa lahat ng advertiser na gumagamit ng Customer Match. Ia-update ang page ng patakaran sa Customer Match kapag naipatupad na ang kinakailangang ito. 

(Na-post noong Oktubre 2018)

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17979205904675420559
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false