Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Ia-update ang patakaran ng Google Ads sa Mga produkto at serbisyong pampinansyal sa Oktubre 2018 para payagan ang mga kontroladong palitan ng cryptocurrency na mag-advertise sa United States at Japan.
Kakailanganin ng mga advertiser na maging certified sa Google para sa partikular na bansa kung saan ihahatid ang kanilang mga ad. Makakapag-apply ang mga advertiser para sa certification kapag inilunsad na ang patakaran sa Oktubre.
Malalapat ang patakarang ito sa lahat ng account na nag-a-advertise ng mga produktong pampinansyal na ito. Para sa higit pang detalye, tingnan ang Tungkol sa certification ng mga pinaghihigpitang produktong pampinansyal.
Ia-update ang page ng Mga produkto at serbisyong pampinansyal kapag naipatupad na ang patakaran.
(Na-post noong Setyembre 2018)