Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.
Dapat igalang ng mga ad ang mga kagustuhan ng user at dapat sumunod ang mga ito sa mga legal na regulasyon. Pinaghihigpitan namin ang ilang partikular na uri ng sekswal na content sa mga ad at destinasyon, na lalabas lang sa mga limitadong pagkakataon batay sa mga query sa paghahanap ng user, edad ng user, at mga lokal na batas kung saan inihahatid ang ad. Hindi dapat mag-target ng mga menor de edad ang mga ad.
Alamin kung ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran.
Sa page na ito
Mga lubos na pinaghihigpitang kategorya
Lubos na pinaghihigpitan ang mga ad na nagtatampok o nagpo-promote ng mga sumusunod na uri ng sekswal na content. Ihahatid lang ang mga ito batay sa mga sumusunod na kundisyon:
- Ang edad ng user, ang mga lokal na batas sa kung saan inihahatid ang ad, at ang mga setting sa SafeSearch ng user.
- Ang mga Query sa paghahanap ng user para sa sekswal na content.
Kahubaran
Mga tao o representasyon ng mga tao na nagpapakita ng mga nakalantad na maselang bahagi ng katawan, kabilang ang mga representasyong naka-blur o naka-censor
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Nakikitang ari, mga dibdib ng babae, o puwit
Mga kategoryang may katamtamang paghihigpit
May katamtamang paghihigpit ang mga ad na nagtatampok o nagpo-promote ng mga sumusunod na uri ng kategorya ng sekswal na content. Ihahatid lang ang mga ito batay sa mga sumusunod na kundisyon:
- Ang edad ng user, ang mga lokal na batas sa kung saan inihahatid ang ad, at ang mga setting sa SafeSearch ng user.
Bahagyang kahubaran
Mga tao o representasyon ng mga tao na nagpapakita ng mga bahagyang nakalantad na maselang bahagi ng katawan
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Nakalantad na ibaba o gilid na bahagi ng dibdib ng babae, nakalantad na malaking bahagi ng puwit
Sekswal na merchandise
Pagbebenta ng merchandise na ginawa para mapahusay ang sekswal na aktibidad
Mga Halimbawa: Mga sex toy, aphrodisiac, sexual enhancer, lingerie para sa sekswal na fetish
Sekswal na entertainment
Online o offline na entertainment na may sekswal na pahiwatig
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga strip club, pang-adult na movie festival, live streaming o live chat na may sekswal na pahiwatig, mga role playing game na may sekswal na pahiwatig
Mga element at temang may sekswal na pahiwatig
Text, mga larawan, audio, o video na puwedeng ituring na nagpapahiwatig ng sekswal na layunin o nag-uudyok ng sekswal na pagnanasa. Content na naglalaman ng mga pose o posture na may sekswal na pahiwatig
Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Bastos o sekswal na pananalita, mga larawang nagtatampok ng mga binting nakabukaka, paghawak sa may takip na maseselang bahagi ng katawan, paggaya sa mga posisyon o kilos sa pakikipagtalik
Mga paghihigpit sa lokasyon
|
|
|
Algeria |
China |
Bukod sa mga requirement sa itaas, dapat sumunod ang iyong mga ad sa mga lokal na batas sa mga rehiyong tina-target ng mga campaign mo.
Epekto ng patakaran
Kung nakakatugon ang iyong ad sa mga kinakailangan sa itaas at kwalipikado ito, narito ang mga detalye kung paano ito puwedeng gumana.
| Platform ng ad | |
|---|---|
|
Google Ads |
| Ad Network | |
|---|---|
|
|
|
| Mga Format ng Ad |
|---|
|
|
Kailangan mo ba ng tulong?
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming mga patakaran, suriin ang mga alituntunin sa patakaran at mga halimbawang ibinigay o makipag-ugnayan sa Suporta sa Google Ads.