Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.
Para makapagbigay ng de-kalidad na experience ng user, kinakailangan sa Google na matugunan ng lahat ng ad, asset, at destinasyon ang matataas na propesyonal at pang-editoryal na pamantayan. Pinapayagan lang namin ang mga ad na malinaw, propesyonal ang hitsura, at nagdadala sa mga user sa content na may kaugnayan, kapaki-pakinabang, at kung saan madaling makipag-interact.
Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng dapat iwasan sa iyong mga ad.
Sa artikulong ito:
Mga requirement sa pangalan ng negosyo
Nalalapat ang patakarang ito sa mga format ng ad na nangangailangan ng field ng pangalan ng negosyo.
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Pagbibigay ng anumang pangalan ng negosyo na hindi ang domain, kinikilalang pangalan ng advertiser, o pino-promote na nada-download na app
Paggamit ng pampromosyong pananalita sa field ng pangalan ng negosyo
Tandaan: Kung nakumpleto mo na ang Pag-verify ng Advertiser, dapat na eksaktong tumugma ang pangalan ng negosyo sa domain name o sa pangalang isinumite sa panahon ng pag-verify.
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Mga requirement sa pangalan ng negosyo.
Capitalization
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Capitalization na hindi ginagamit nang tama o para sa itinakdang layunin nito
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Capitalization.
Kalidad ng larawan
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Mga larawang nakatagilid, nakabaligtad, o hindi sumasakop sa buong espasyo ng piniling laki ng larawan
Mga larawang malabo, hindi malinaw, hindi makilala, o may hindi mabasang text
Mga nagso-strobe, nagfa-flash, o kaya ay nakakagulong larawan
Mga ad na lampas sa frame o kaya ay humaharang sa website o app
Learn more about the Image quality policy.
Maling paggamit sa mga feature ng ad
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Mga ad o asset na hindi gumagamit ng mga feature ng unit ng ad sa nakatakdang layunin ng mga ito
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Maling paggamit sa mga feature ng ad.
Numero ng telepono sa ad text
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Paglalagay ng numero ng telepono sa ad text
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Numero ng telepono sa ad text.
Bantas at mga simbolo
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Bantas o mga simbolong hindi ginagamit nang tama o para sa itinakdang layunin ng mga ito
Mga Halimbawa: mga bantas o simbolong sunod-sunod na inuulit gaya ng “mga bulaklak!!”; mga simbolo, numero, at titik na hindi sumusunod sa totoong kahulugan o layunin ng mga ito, gaya ng “mga bu1ak1ak“ o “mga bul@klak“; hindi karaniwang paggamit ng mga superscript gaya ng “mga bulaklak”; mga hindi karaniwang simbolo o character (tulad ng mga bullet point o asterisk), gaya ng"*mga bulaklak*"; sobra-sobra o maarteng paggamit ng mga numero, simbolo, o bantas, gaya ng "M.G.A B.U.L.A.K.L.A.K.".
Tandaan: Pinapayagan sa ilang partikular na sitwasyon ang ilang uri ng hindi karaniwang bantas at mga simbolo. Maaaring aprubahan para gamitin sa mga ad ang mga trademark, pangalan ng brand, o pangalan ng produkto na gumagamit ng hindi karaniwang bantas o mga simbolo sa patutunguhan ng ad sa magkakaparehong paraan. Pinapayagan din ang mga simbolong ginagamit sa mga karaniwang katanggap-tanggap na paraan, gaya ng paggamit ng asterisk para sa mga star na rating (5* na hotel) o upang isaad na may nalalapat na mga legal na kinakailangang kundisyon. Para gumamit ng alinman sa mga uring ito ng bantas o mga simbolo, dapat kang humiling ng pagsusuri.
Mga invalid o hindi sinusuportahang character
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Bantas at mga simbolo.
Pag-uulit
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Hindi karaniwan, maarte, o hindi kinakailangang pag-uulit ng mga pangalan, salita, o parirala
Text ng asset na nag-uulit sa mga salita o pariralang nasa asset ding iyon o iba pang asset na nasa iisang ad group, campaign, o account
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Pag-uulit.
Istilo at spelling
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Mga ad o asset na hindi gumagamit ng karaniwang tinatanggap na spelling o grammar
Mga ad o asset na hindi maintindihan o walang kabuluhan
Mga ad o asset na lumalampas sa mga limitasyon sa bilang ng character para sa mga wikang gumagamit ng double-width na character
Mga ad o asset na hindi tumutugma sa malinaw at nagbibigay-impormasyong istilo ng pagpapakita ng mga resulta ng Google Search
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Istilo at spelling.
Hindi katanggap-tanggap na puwang
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Pag-aalis ng space o pagdaragdag ng mga sobrang space
Sobra-sobra o maarteng paggamit ng spacing
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Hindi katanggap-tanggap na puwang.
Hindi matukoy na negosyo
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Mga ad o destinasyong hindi pinapangalanan ang produkto, serbisyo, o entity na pino-promote ng mga ito
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Hindi matukoy na negosyo.
Kalidad ng video
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Mga video na may hindi mabasang text, hindi magandang kalidad ng tunog, o mga malabo, hindi malinaw, o hindi makilalang visual
Kung hindi mo puwedeng i-edit ang video para matugunan ang mga kinakailangang ito, mag-upload ng ibang video na sumusunod sa patakaran.
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Kalidad ng video.