Tungkol sa proseso ng pagsusuri ng ad

Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Para mapanatiling ligtas ang mga ad at naaangkop para sa lahat, sinusuri ang mga ad para matiyak na sumusunod ang mga ito sa mga patakaran ng Google Ads. Sinusuri ang karamihan ng mga ad sa loob ng isang business day.

Ang iyong mga ad na sinusuri

Tingnan ang status ng iyong ad at humingi ng tulong kung kailangan mo. Natatapos ang karamihan sa mga pagsusuri sa loob ng isang business day, pero puwedeng mas tumagal ang mga mas kumplikadong pagsusuri.

Paano gumagana ang pagsusuri ng ad

Pagkatapos mong gumawa o mag-edit ng ad o asset, awtomatikong magsisimula ang proseso ng pagsusuri. Susuriin ang content na nasa ad mo, kasama na ang iyong headline, paglalarawan, mga keyword, destinasyon, at anumang larawan at video.

Kung papasa sa pagsusuri ang iyong ad, magiging "Kwalipikado" ang status nito, at magsisimula itong gumana. Kung isinasaad ng pagsusuri na may nilalabag na patakaran ang iyong ad, magiging "Hindi Naaprubahan" ang status nito, na nangangahulugang hindi ito puwedeng lumabas kahit saan. Aabisuhan ka tungkol sa paglabag sa patakaran at sasabihan ka kung ano ang susunod na puwede mong gawin.

Alamin kung paano tingnan ang status ng pag-apruba ng isang ad.

"Sinusuri" ang status ng ad

Habang nangyayari ang proseso ng pagsusuri ng ad, magiging "Sinusuri" ang status ng ad. Nakalaan sa Google ang karapatang gawing priyoridad ang mga pagsusuri o pagsusuri ulit ng mga ad para matiyak ang kabuuang stability ng mga pagpapatakbo ng system, o pansamantalang paghigpitan ang paghahatid ng ad para matiyak ang pagsunod sa patakaran.

Gaano katagal ang inaabot ng pagsusuri ng ad

  • Sinusuri ang karamihan ng mga ad sa loob ng isang business day. Gayunpaman, mas tumatagal ang ilang pagsusuri kung nangangailangan ang ad ng mas kumplikadong pagsusuri.
  • Kung mahigit 2 buong business days nang sinusuri ang iyong ad, tingnan ang status ng ad mo.
  • Kung mahigit isang linggo nang sinusuri ang ad mo, makipag-ugnayan sa suporta sa Google Ads para sa tulong.

Paano magsimula ng mga ad sa isang partikular na petsa

Kung kailangan mong masuri ang iyong ad sa isang partikular na petsa, isumite ang ad ilang araw bago ang partikular na petsa. Para ihinto ang paggana ng isang ad sa sandaling maging "Kwalipikado" ang status nito, i-pause ang ad, ad group, o campaign. Sinusuri ang mga naka-pause na ad tulad ng mga aktibong ad. Matutunan kung paano I-pause o ipagpatuloy ang iyong mga ad

Kung pinaplano mo ring maglunsad ng bagong webpage kasabay nito, kailangang maging kumpleto ang webpage na iyon para masuri ang iyong ad.

Para matiyak na mananatiling nakatago ang bagong page hanggang sa petsa ng paglulunsad mo:

Huwag mag-link sa bagong page sa natitirang bahagi ng iyong website. Kung magli-link ka sa bagong page, baka i-index ito ng mga search engine, at puwedeng magsimulang lumabas ang page sa mga resulta ng paghahanap.

I-configure ang file na "robots.txt" ng iyong website. Sa file na robots.txt ng iyong website, puwede mong sabihin sa mga search engine na huwag i-index ang page. Kapag handa ka nang maglunsad, alisin ang pagbabago. Matuto pa tungkol sa pag-configure ng iyong file na robots.txt.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5603851462650246578
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false