Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Sa Mayo 2023, ia-update ng Google ang kahulugan ng Mga Ad ng Halalan sa Australia para isama ang mga ad na nagtatampok ng alinman sa mga sumusunod:
- Pederal na partidong politikal, kandidato para sa House of Representatives o Senado ng Australia, kasalukuyang inihalal na pederal na opisyal sa House of Representatives o Senado ng Australia, o referendum o plebesitong isinasagawa ng Australian Electoral Commission;
- Pang-estado o panteritoryong politikal na partido, kandidato para sa inihahalal na pang-estado o panteritoryong posisyon, kasalukuyang inihalal na pang-estado o panteritoryong opisyal, o referendum o plebesitong isinasagawa ng pang-estado o panteritoryong komisyon sa halalan, mula sa alinman sa mga sumusunod na estado at teritoryo:
- Australian Capital Territory
- New South Wales
- Northern Territory
- Queensland
- South Australia
- Tasmania
- Victoria
- Western Australia
Dapat ma-verify ng Google ang lahat ng advertiser na gustong magpagana ng Mga Ad ng Halalan sa Australia. Para makapagpagana ng mga pang-Australia na Ad ng Halalan sa Australia, dapat matapos ng advertiser ang pag-verify ng Mga Ad ng Halalan sa Australia.
Para sa higit pang impormasyon, pakitingnan ang artikulong ito.
(Na-post noong Abril 2023)