Update sa Patakaran sa Mga Serbisyong Pinansyal sa UK (Disyembre 2022)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Tandaan: Iwinasto ang log ng pagbabago na ito noong Nobyembre 22, 2022 para wastong ipakita ang epekto sa Mga Insolvency Practitioner.

Sa Disyembre 6, 2022, ia-update ang Patakaran sa Mga Serbisyong Pinansyal sa UK ng Google Ads. 

Sa update na ito sa patakaran, may dalawang pagbabagong mag-aambag sa mas magandang ecosystem para sa mga ad ng Mga Serbisyong Pinansyal. 

Mga Serbisyo sa Utang

Una, magiging saklaw ng patakaran sa Mga Serbisyong Pinansyal sa UK ang mga serbisyo sa utang, kaya kakailanganin ng mga advertiser ng mga serbisyo sa utang na nagta-target sa UK na tapusin ang pag-verify ng Mga Serbisyong Pinansyal sa UK. Hindi na puwedeng sumalalay ang Mga Insolvency Practitioner sa regulasyon ng Kinikilalang Propesyonal na Lupon para magpagana ng mga ad ng mga serbisyong pinansyal sa UK pagkatapos ng pagbabagong ito.

Mga Exempt na Professional Firm at Recognized Investment Exchange

Pangalawa, ia-update ang mga kinakailangan ng Pag-verify ng Mga Serbisyong Pinansyal sa UK ng Google Ads para payagan ang mga advertiser na nasa UK Financial Conduct Authority Financial Services Register bilang Mga ‘Exempt Professional Firm’ at Recognised Investment Exchange na ma-verify bilang Mga UK FCA-Authorized Advertiser. Puwedeng mag-apply ang Mga Exempt Professional Firm at Recognised Investment Exchange para sa pag-verify na ito at, kapag tapos na nila ang pag-verify na ito, makakapagsimula na silang mag-advertise ng mga serbisyong pinansyal sa UK.

Mga Na-update na Kinakailangan sa Pag-verify para sa Mga FCA-Authorized Firm:

Para maging kwalipikado para sa pag-verify ng UK FCA, ang mga advertiser na nagpo-promote ng mga aktibidad ng mga kinokontrol na serbisyong pinansyal ay dapat (1) awtorisado ng UK Financial Conduct Authority (UK FCA) o nasa UK FCA Financial Services Register bilang Exempt Professional Firm o Recognised Investment Exchange, at (2) nakatapos ng pag-verify ng pagkakakilanlan ng Google.

 

Pakisuri ang update na ito sa patakaran para matukoy kung napapailalim sa saklaw ng patakaran ang alinman sa iyong mga ad, at kung oo, simulan at tapusin ang pag-verify o alisin ang mga ad na iyon bago magsimula ang pagpapatupad. 

Hindi hahantong ang mga paglabag sa patakarang ito sa agarang pagsususpinde ng account nang walang paunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa pitong araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account dito.

Magsisimula sa Enero 16, 2023 ang ganap na pagpapatupad sa patakarang ito.

 

(Na-post noong Oktubre 5, 2022)


 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10257087528318067204
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false