Pag-advertise ng Mga Serbisyong Pinansyal sa Brazil, India, at Portugal (Oktubre 2022)

 

Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Pagpapalawig sa Panahon ng Pre-Enforcement para sa Mga Kinakailangan sa Bagong Pag-verify ng Mga Serbisyong Pinansyal

Inanunsyo ng Google dati na ia-update nito ang patakaran nito sa mga produkto at serbisyong pinansyal para magpakilala ng mga bagong kinakailangan sa pag-verify para sa mga advertiser na nagta-target sa Brazil, India, at Portugal. Sa anunsyong iyon, isinaad namin na hindi na makakapaghatid ng mga ad ng mga serbisyong pinansyal sa mga bansang ito ang mga advertiser na hindi makakakumpleto ng pag-verify hanggang Oktubre 17, 2022. Ngayon, inaanunsyo namin na papalawigin namin ang tagal ng aming pre-enforcement hanggang Enero 24, 2023.  Sisimulan naming ipatupad ang patakaran sa Enero 24, 2023 at puwede itong umabot nang humigit-kumulang apat na linggo bago ang ganap na pagpapatupad. 

Simula Enero 24, 2023, hindi na papayagang magpakita ng mga ad ng mga serbisyong pinansyal sa mga bansang ito ang mga advertiser na hindi matagumpay na makakatapos sa bagong proseso ng pag-verify.

Kapag sinimulan na ng Google ang pagpapatupad sa patakaran sa Enero 24, 2023, para makapag-advertise ng mga serbisyong pinansyal sa Brazil, India, o Portugal, (1) dapat makakuha ang mga advertiser ng pag-verify ng third party sa pamamagitan ng aming external na partner sa pagsunod, ang G2, at pagkatapos ay (2) mag-apply para sa pag-verify ng mga serbisyong pinansyal sa Google.  Bilang bahagi ng proseso ng pag-verify ng third party ng G2, itatanong ng G2 sa mga advertiser ang tungkol sa uri ng mga serbisyong pinansyal na ibinibigay nila, kung may lisensya silang magbigay ng mga serbisyong iyon, at ang registration number nila, pati na rin ang iba pang bagay. Dapat ipakita ng mga advertiser na direkta silang binibigyan ng pahintulot ng nauugnay na regulator ng mga serbisyong pinansyal na magsagawa ng mga aktibidad ng mga serbisyong pinansyal o na hindi sila kasama sa kinakailangang ito. Kapag naisagawa na ang pag-verify ng third party ng G2, kakailanganing mag-apply ng mga advertiser sa Google para sa pag-verify ng mga serbisyong pinansyal gamit ang natatanging code sa pag-verify ng third party na makukuha nila sa G2. Sinimulan na ng aming external na partner sa pagsunod, ang G2, na magproseso ng mga aplikasyon para sa pag-verify ng mga serbisyong pinansyal noong Agosto 16, 2022.  

Para matuto pa tungkol sa mga kinakailangan sa bagong pag-verify ng Mga Serbisyong Pinansyal at simulan ang pag-verify, pakipuntahan ang mga link sa ibaba. 

Pakibasa ang update na ito sa patakaran para matukoy kung napapailalim sa saklaw ng patakaran ang alinman sa iyong mga ad ng mga produkto o serbisyong pinansyal, at kung oo, simulan at kumpletuhin ang proseso ng pag-verify o alisin ang mga ad na iyon bago magsimula ang pagpapatupad. 

Hindi hahantong ang mga paglabag sa patakarang ito sa agarang pagsususpinde ng account nang walang paunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa pitong araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account dito.

 

(Na-post noong Oktubre 3, 2022)


 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2827353215716203314
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false