Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Sa Enero 2022, ia-update ng Google ang patakaran nito sa Pag-verify ng Pagkakakilanlan ng Advertiser para linawing para sa pag-verify sa US, hindi na tatanggapin ng Google ang mga W9 form para sa pag-verify ng pagkakakilanlan.
Sa halip, para sa pag-verify ng pagkakakilanlan ng mga organisasyon, tatanggapin ng Google ang mga sumusunod na form:
- Anumang dokumento, abiso, o liham na ibinigay ng IRS o may stamp ng IRS na nagsasaad ng pangalan ng Organisasyon;
- Mga form na isinumite sa IRS, tulad ng 8871 o 990, kung available sa website ng IRS;
- Mga Certificate of Business Incorporation;
- Pinakabagong paghahain ng Organisasyon sa SEC;
- Mga bank statement na may petsang mula sa loob ng nakalipas na 3 buwan kung nakalagay sa mga ito ang EIN ng Organisasyon;
- Mga ulat ng credit ng negosyo mula sa Experian, Equifax, TransUnion, o Dun & Bradstreet.
Sisimulan naming ipatupad ang update sa patakaran sa Enero 24. Hindi aatasang magsumite ng bagong dokumentasyon ang mga account na sinimulan ang proseso ng Pag-verify ng Pagkakakilanlan ng Advertiser sa pamamagitan ng pagsusumite ng dokumentasyon bago ang Enero 24.
(Na-post noong Disyembre 2, 2021)