Update sa patakaran sa Mga produkto at serbisyong pampinansyal (Hunyo 2021)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Sa Agosto 2021, ia-update ng Google ang patakaran sa Mga produkto at serbisyong pampinansyal para linawin ang saklaw at mga kinakailangan para payagan ang pag-advertise ng negosyo at mga serbisyong may kaugnayan sa cryptocurrency. 

Simula Agosto 3, puwede nang i-advertise ng mga advertiser na nag-aalok ng Mga Palitan at Wallet ng Cryptocurrency na nagta-target sa United States ang mga produkto at serbisyong iyon kapag natutugunan nila ang mga sumusunod na kinakailangan at kapag certified sila ng Google. Para maging certified ng Google, kakailanganin ng mga advertiser na:

  • Maging rehistrado sa
    • (a) FinCEN bilang Negosyo ng Mga Serbisyo sa Pera at sa kahit man lang isang estado bilang money transmitter; o 
    • (b) isang bank entity na chartered ng pederal na pamahalaan o estado. 
  • Sumunod sa mga nauugnay na legal na kinakailangan, kasama ang anumang lokal na legal na kinakailangan, sa antas man ng estado o pederal na pamahalaan.
  • Tiyaking nakakasunod ang kanilang mga ad at landing page sa lahat ng patakaran ng Google Ads

Babawiin ang lahat ng dating certification sa Palitan ng Cryptocurrency sa Agosto 3, 2021.  Dapat humiling ang mga advertiser ng bagong certification sa Mga Palitan at Wallet ng Cryptocurrency sa Google kapag na-publish na ang form ng aplikasyon sa Hulyo 8, 2021.

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

 Mga ad para sa mga initial coin offering, mga protocol sa pakikipag-trade ng DeFi, o pag-promote sa pagbili, pagbebenta, o pag-trade ng mga cryptocurrency o kaugnay na produkto

  • Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga pre-sale o pampublikong alok ng ICO, pag-loan ng cryptocurrency, initial DEX offering, liquidity pool ng token, pag-endorso ng celebrity sa cryptocurrency, hindi hino-host na wallet, hindi kontroladong DApp

 Mga destinasyon ng ad na nagsasama-sama o naghahambing ng mga tagabigay ng mga cryptocurrency o kaugnay na produkto

  • Mga halimbawa (hindi kumpleto): Mga trading signal para sa cryptocurrency, payo sa pamumuhunan sa cryptocurrency; mga aggregator o affiliate na site na naglalaman ng kaugnay na content, o mga review ng broker

Bilang paalala, inaasahan naming susunod ang lahat ng advertiser sa mga lokal na batas para sa anumang lugar na tina-target ng kanilang mga ad. Malalapat ang patakarang ito sa lahat ng account na nag-a-advertise ng mga produktong pampinansyal na ito. Para sa higit pang detalye, tingnan ang Tungkol sa certification ng mga pinaghihigpitang produktong pampinansyal.

(Na-post noong Hunyo 2021)

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9340237179709780264
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false