Update sa Patakaran sa pampulitikang content (Mayo 2021)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Sa unang bahagi ng Hunyo 2021, ia-update ng Google ang patakaran sa pampulitikang content nito para sa Singapore. Kasama rito ang mga sumusunod na pagbabago:

Hindi ipagbabawal sa ilalim ng patakarang ito ang mga pampublikong anunsyo ng serbisyo (public service announcement o PSA) mula sa Mga Ministry ng Gobyerno at Statutory Board at Ahensya ng Estado para magsapubliko o mamahagi ng impormasyon tungkol sa mga pambansang patakaran, proyekto, at/o institusyon. Dahit dito, hindi rin ipagbabawal sa ilalim ng patakarang ito ang impormasyon tungkol sa mga pag-aanunsyo ng pambansang patakaran sa mga event na gaya ng National Day Rally at Badyet.

Dapat ma-verify ng Google ang lahat ng advertiser na kumikilos sa ngalan ng Mga Ministry ng Gobyerno at Statutory Board o Ahensya ng Estado para mamahagi ng gayong mga pampublikong anunsyo ng serbisyo (public service announcement o PSA).

Magiging available ang pag-verify para magpagana ng mga ganitong uri ng ad sa Singapore simula sa unang bahagi ng Hunyo 2021.

(Na-post noong Mayo 2021)

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12171681994843329101
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false