Mga update sa Patakaran sa Pang-aabuso sa Ad Network (Mayo 2021)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Sa Mayo 2021, babaguhin namin ang pagkakaayos ng aming Patakaran sa Pang-aabuso sa Ad Network para mas madali itong mabasa at maunawaan. Isasama sa ilang partikukar na pagkilos ng patakaran at kaukulang pagmemensahe sa mga advertiser sa Google ang mga na-update na pangalan ng patakaran. Maaapektuhan ng mga pagbabagong ito kung ano ang kasalukuyang pinaghihigpitan o ipinagbabawal ayon sa aming mga patakaran.

Ano'ng magbabago:

  • Ang mga alituntunin sa patakaran na nauugnay sa “pagmamanipula ng text” na kasalukuyang ipinapatupad sa ilalim ng patakarang “Pag-iwas sa Mga System” ay ililipat sa bagong hiwalay na patakarang tinatawag na “Umiiwas na Content ng Ad” sa kategorya ng patakaran na Pang-aabuso sa Ad Network.
  • Sa ilalim ng bagong paksa ng patakaran na ito na “Umiiwas na Content ng Ad,” papalawakin namin ang mga pinagbabawalang pagmamanipula ng mga termino ng trademark sa ad text para isama ang mga domain, subdomain, at logo; pagbabawalan namin ang paggamit ng mga hindi nakikitang UNICODE na character na walang idinaragdag na halaga sa content ng ad para sa mga user; at hindi namin papayagan ang mga pagmamanipula ng mga larawan o video para magtago ng content na lumalabag sa patakaran.

Sisimulan naming ipatupad ang mga update sa patakaran sa Mayo 4, 2021.

Hindi hahantong ang mga paglabag sa patakarang ito sa agarang pagkakasuspinde ng account nang walang paunang babala. Magbibigay ng babala sa loob ng hindi bababa sa 7 araw bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.

(Na-post noong Marso 2021)

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7646732769073742362
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false