Ang ulat sa Mga Site ay nagpapakita ng data para sa mga site sa iyong listahan ng site, kasama ang tinantyang mga kita, page view, at higit pa.
Tingnan ang ulat sa Mga Site
- Bisitahin ang iyong page na Mga Ulat, pagkatapos ay i-click ang Mga Site sa listahan ng mga ulat.
Dami ng mga site
- Kung mahigit sa 100,000 ang kabuuang dami ng mga site (aktibo at hindi aktibo) na nauugnay sa iyong account mula noong ginawa ito, mapapatakbo mo pa rin ang ulat sa Mga Site. Gayunpaman, ang matitingnan mo lang ay data sa ulat tatlong buwan mula sa araw na buuin mo ang ulat. Gayundin, dahil sa maraming site sa iyong account, hindi isasama sa data ng performance mo ang data mula sa kasalukuyang araw, at puwedeng abutin nang hanggang 48 oras bago maipakita ang na-update na data.
- Ang maximum na dami ng mga site na ipinapakita sa user interface ay ang nangungunang 5,000, na naka-rank ayon sa tinantyang mga kita.
- Makakapag-download ka ng maximum na nangungunang 20,000 site, na naka-rank ayon sa mga kita, bilang CSV file.
Data mula sa mga naka-cache na site at iframe
Baka makakita ka ng mga resulta mula sa mga page o site na hindi mo pinapamahalaan. Puwedeng kasama rito ang mga hindi maayos na naka-iframe na pag-redirect, web page na ipinasa sa mga email client, site na naghahatid ng naka-cache na content mula sa sarili nitong domain, at pag-duplicate ng mga kwento mula sa isang publisher papunta sa isa pa. Matuto pa tungkol sa kung bakit puwedeng kasama sa mga ulat ang mga site na hindi mo pinapamahalaan.