Puwede kang magpatakbo ng mga ulat para sa anumang hanay ng petsa kung saan may data. Tinatalakay ng artikulong ito kung paano magpalipat-lipat sa mga petsa at maghambing ng hanay ng petsa, at dinedetalye rin nito kung paano magdagdag ng mga breakdown sa iyong ulat.
Sa page na ito
- Pumili ng naka-preset na hanay ng petsa
- Pumili ng sarili mong custom na hanay ng petsa
- Maghambing ng dalawang hanay ng petsa
- Mag-alis ng paghahambing
Puwede kang pumili ng naka-preset na hanay ng petsa o pumili ng sarili mong custom na hanay ng petsa, at puwede mong ihambing ang hanay ng petsa na iyon sa isa pa.
Pumili ng naka-preset na hanay ng petsa
Para gumamit ng naka-preset na hanay ng petsa, pumili ng isa sa mga sumusunod sa itaas ng iyong ulat o sa kalendaryo:
- Ngayon: Available na data para sa kasalukuyang petsa sa kalendaryo hanggang sa oras na pumili ka.
- Kahapon: Data para sa nakaraang petsa sa kalendaryo.
- Nakaraang 7 araw: Data para sa nakaraang 7 araw.
- Nakaraang 30 araw: Data para sa nakaraang 30 araw.
- Ngayong buwan: Data para sa unang araw ng kasalukuyang buwan sa kalendaryo hanggang sa oras na pumili ka.
- Nakaraang buwan: Data para sa una hanggang sa huling araw ng nakaraang buwan sa kalendaryo.
- Nakaraang 3 taon: Data para sa nakaraang 3 taon.
Pumili ng sarili mong custom na hanay ng petsa
- Habang tinitingnan ang iyong ulat, i-click ang Custom para tingnan ang kalendaryo.
- Sa kalendaryo, piliin ang mga petsang gusto mo:
- Pumili ng isa sa mga opsyon sa naka-preset na hanay ng petsa sa gilid.
- I-drag ang point ng simula at dulo para i-highlight ang mga petsa.
- Ilagay ang iyong mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos sa mga field ng petsa.
- I-click ang Ilapat.
Maghambing ng dalawang hanay ng petsa
- Habang tinitingnan ang iyong ulat, piliin ang yugto ng panahon na gusto mong ihambing. Puwede itong naka-preset o custom na hanay ng petsa.
- I-click ang + magdagdag ng paghahambing.
- Pumili ng iyong opsyon sa paghahambing:
- Nakaraang panahon
- Nakaraang taon
- Custom
- Kung pipiliin mo ang opsyon na "Custom," ilagay ang mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos na gusto mo, pagkatapos ay i-click ang Ilapat.
Ipapakita ang data para sa hanay ng petsa ng paghahambing sa dashed na linya o mas mapusyaw na kulay depende sa ginagamit mong uri ng chart.
Mag-alis ng paghahambing
- Habang tinitingnan ang iyong ulat, i-click ang Pababang arrow ng paghahambing na gusto mong alisin.
- I-click ang Alisin ang paghahambing.