Nire-record ang mga dating pagbabago sa iyong account bilang mga tala sa mga ulat mo. Lalabas ang mga talang ito bilang mga icon sa ibaba ng chart, na magha-highlight sa mga aksyong posibleng nakaimpluwensya sa mga kita mo. Halimbawa, kung nag-block ka ng kategorya ng ad noong nakaraang Martes at gumawa ka ng bagong unit ng ad noong sumunod na araw, ire-record ang parehong pagbabago bilang mga tala.
Magpakita ng mga tala sa chart
- Habang tinitingnan ang iyong ulat, i-click ang Mga Tala
sa ibaba ng bahagi ng chart.
Lalabas ang iyong mga tala sa ibaba ng chart bilang
. Ang bilang ay ang bilang ng mga itinala sa loob ng tinukoy na yugto ng panahon.
- Mag-click ng tala para lumaktaw sa petsa at paglalarawan ng dating pagbabago.
Magdagdag ng tala sa chart
Puwede kang magdagdag ng sarili mong mga tala sa mga chart. Halimbawa, baka gusto mong i-record ang petsa kung kailan mo binago ang disenyo ng iyong site o nagkaroon ng mahalagang event (hal., likas na sakuna, politikal na event, atbp.). Makakatulong sa iyong maunawaan ang mga pagbabago-bago sa mga sukatan mo sa mga partikular na petsa kung magpapanatili ka ng record ng mga event na nakakaapekto sa performance ng account.
- Habang tinitingnan ang iyong ulat, i-click ang Mga Tala
sa ibaba ng bahagi ng chart.
- I-click ang Magdagdag ng tala
. Bubukas ang window ng tala.
- Sa kalendaryo, pumili ng iyong petsa.
- Sa field na "Tala," ilagay ang iyong paglalarawan (1000 limitasyon sa bilang ng character).
- I-click ang I-save.
Ipapakita ang iyong bagong tala sa ibaba ng chart.