Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Mga Ulat

I-filter ang data ng iyong ulat

Tinutukoy ng mga filter, kasama ng mga sukatan at breakdown, kung anong data ang ipapakita sa iyong mga ulat. Makakatulong ang mga ito sa iyong maunawaan ang data ng pag-uulat mo, maghanap ng mga trend, at mag-drill down sa impormasyong talagang kailangan mo.

Halimbawa, puwede kang gumamit ng mga filter para maghanap ng mga partikular na unit ng ad, bansa, o format ng ad sa isang tinukoy na hanay ng petsa. Puwede kang magdagdag ng maraming filter sa iyong mga ulat para mas pinuhin pa ang data mo.

Sa page na ito

Ano ang ginagawa ng mga filter?

Itinatago ng mga filter ang hindi kinakailangan o hindi gustong data sa iyong mga ulat. Kapag nagdagdag ka ng filter, tinutukoy mo kung ano ang gusto mong tingnan sa ulat, at itatago ng AdSense ang anumang hindi tumutugma sa mga pamantayan sa mga filter nito.

Nasaan ang mga filter sa isang ulat?

Puwedeng magdagdag, mag-alis, at magsaayos ng mga filter sa kahon ng filter sa itaas ng bahagi ng chart ng iyong ulat. Kapag nagdagdag ka ng filter, ilalapat ito sa chart at talahanayan sa iisang ulat.

Halimbawa ng paghahanap o pag-filter ng iyong field ng data.

Magdagdag ng filter

  1. Habang tinitingnan ang iyong ulat, i-click ang I-filter I-filter.
  2. Mag-click ng filter sa drop-down na listahan.
  3. Piliin ang mga item na gusto mong gamitin sa pag-filter.
  4. I-click ang Ilapat.
Tip: Puwede ka ring maghanap ng item na gagamitin sa paggawa ng filter sa pamamagitan ng pag-type ng pangalan nito sa kahon ng filter.

Magbago ng filter

  1. Habang tinitingnan ang iyong ulat, i-click ang filter na gusto mong baguhin.
  2. Piliin ang mga item na gusto mong idagdag o alisin sa iyong filter.
  3. I-click ang Ilapat.

Mag-alis ng filter

Para mag-alis ng isang filter, i-click ang Alisin Alisin sa tabi ng filter na gusto mong alisin.

Para alisin ang lahat ng filter sa isang ulat, i-click ang Alisin ang lahat ng filter Alisin sa dulo ng kahon ng filter.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
I-unlock ang Potensyal sa Paglago

Huwag palampasin ang mahahalagang insight sa AdSense. Mag-opt in para makatanggap ng mga ulat sa performance, naka-personalize na tip, at imbitasyon sa webinar na makakatulong na i-boost ang kita mo

Mag-opt in

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
11855318630641952624
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false
false
false