Puwede mong baguhin ang time zone ng iyong account para tumingin ng ulat sa anumang time zone na may kaugnayan sa iyo. Puwede itong makatulong na pigilang maapektuhan ng trapiko tuwing Biyernes o Lunes ang iyong mga ulat sa weekend.
Puwede mo ring tingnan ang iyong mga ulat sa time zone ng pagsingil, ang America/Los Angeles.
Sa page na ito
- Bago mo baguhin ang time zone ng iyong account
- Baguhin ang time zone ng iyong account
- Magpalipat-lipat ng time zone sa isang ulat
Bago mo baguhin ang time zone ng iyong account
Tandaang kapag binabago ang iyong time zone:
- Ang mga pagbabago sa time zone ng account ay nakakaapekto lang sa data mula sa oras na ginawa mo ang pagbabago.
HalimbawaKung gagawin mong America/Los Angeles ang iyong time zone mula America/New York sa Abril 3, at pagkatapos ay magpapagana ka ng ulat mula Abril 1 hanggang Abril 5, nasa America/New York ang lahat ng data sa iyong ulat bago ang Abril 3. Nasa bagong napiling time zone ng account ang data pagkatapos ng Abril 3.
- Sa anumang ulat na kasama ang araw na binago mo ang time zone ng account, posibleng may flat na bahagi o pagtaas sa data. Ang anomaly na ito ay dulot ng pagbabago sa oras at hindi ito makakaapekto sa iyong mga pagbabayad. Hindi mo makikita ang anomaly na ito kapag tinitingnan ang mga ulat sa time zone ng pagsingil ng AdSense.
- Awtomatikong mama-migrate ang iyong mga kasalukuyang naka-save at nakaiskedyul na ulat sa bagong time zone. Mula sa puntong iyon, ipapakita ng iyong mga naka-save o nakaiskedyul na ulat ang time zone na ginagamit noong na-save ang mga ito.
- Ipapakita ang mga ulat na nasa iyong "Home" page sa time zone ng account mo. Kinakalkula at ipinapakita sa time zone ng pagsingil ng AdSense ang iyong mga pagbabayad.
Baguhin ang time zone ng iyong account
- Mag-sign in sa iyong AdSense account.
- I-click ang Account.
- I-click ang Mga Setting, pagkatapos ay Impormasyon ng account.
- Sa seksyong "Impormasyon ng account," i-click ang Pababang arrow
sa tabi ng "Time zone."
- Pumili ng iyong time zone sa drop-down na listahan.
- I-click ang I-save.
Tip: Kapag sinusuri ang iyong mga ulat, may opsyon ka sa mga setting ng ulat mo na magpalipat-lipat sa time zone ng iyong account at sa time zone ng pagsingil ng AdSense.
Magpalipat-lipat ng time zone sa isang ulat
- Habang tinitingnan ang iyong ulat, i-click ang Mga Setting
sa itaas ng page.
- I-click ang Time zone.
- Piliin ang Time zone ng account o Time zone ng pagsingil sa drop-down na listahan.
Mga Paalala:
- May ilang bansang gumagawa ng mga taunang adjustment sa kanilang opisyal na oras sa mga buwan ng tag-init. Kung ang time zone ng account na pinili mo para sa iyong account ay gumagamit ng Daylight Savings Time, awtomatikong mag-a-adjust ang mga istatistika ng AdSense account mo (gaya ng ginagawa ng mga ito para sa time zone ng pagsingil ng AdSense). Mag-a-adjust ang time zone ng iyong account pabalik sa regular na oras sa katapusan ng tag-init. 23 o 25 oras ang tagal ng araw kung kailan mangyayari ang adjustment na ito, at baka makakita ka ng kaunting pagtaas o pagbaba sa iyong kita.
- Kung gumagamit ng mga sukatan ng "Session" o "Paghahanap sa web" ang iyong ulat, awtomatikong lilipat ang ulat mo sa time zone ng pagsingil mula sa time zone ng iyong account. Ito ay dahil sa time zone ng pagsingil lang itinatala ang mga sukatan ng "Session" at "Paghahanap sa web."