Puwede mong i-export o i-download ang iyong data ng ulat para magamit sa iba pang application gaya ng Excel.
- Mag-sign in sa iyong AdSense account.
- I-click ang Mga Ulat.
- Hanapin ang ulat na gusto mong i-export.
Tip: Gamitin ang box para sa paghahanap para makatulong sa iyong maghanap ng mga ulat sa listahan.
- Sa tabi ng I-save, i-click ang .
- Pumili ng iyong opsyon sa pag-export:
- I-click ang I-export ang ulat sa Google Sheets para i-export ang iyong ulat sa Google Sheet. Puwede mong i-access ang iyong spreadsheet anumang oras sa pamamagitan ng pagbubukas ng iyong Google Drive.
- I-click ang I-download ang ulat bilang Excel spreadsheet para i-download ang iyong ulat bilang XLSX file.
- I-click ang I-download ang ulat bilang CSV file para i-download ang iyong ulat sa format na comma separated values (CSV). Madaling mai-import ang mga CSV file sa mga karaniwang spreadsheet application.