Binago: Marso 13, 2023
Ang Mga Alternatibong Query sa Paghahanap (Alternative Search Query o ASQ) ay anumang paraan ng pag-trigger ng mga resulta ng paghahanap (search engine results page o SERP) maliban sa paglalagay ng query ng user sa isang box para sa paghahanap. Magagamit ang text ng query na bumubuo ng SERP para humiling ng Mga Custom na Search Ad (CSA) ng Google sang-ayon sa mga alintuntunin sa page na ito. Ipinapakita ng sumusunod na diagram ang dalawang magkaibang ASQ ("Iminumungkahing Paghahanap" at "Pag-browse ng Kategorya") na ginagamit para mag-trigger ng page ng paghahanap. Humihiling ng CSA ang page ng paghahanap gamit ang Mga Termino ng ASQ, sa sitwasyong ito, "laser
printer
."
Nalalapat ang mga alituntuning ito sa mga ASQ, sa content, placement, pag-format, at gawi ng mga ito, pati na rin sa mga termino ng Mga ASQ na kasama sa mga kahilingan sa ad na ipinapadala sa Google.
Kasalukuyang available ang mga sumusunod na uri ng ASQ para sa mga publisher na naka-enable para sa CSA. Para magamit ang mga ito, dapat kang sumunod sa Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ at sa mga partikular na kinakailangan para sa bawat ASQ.
Bilang paglilinaw, para sa mga layunin ng mga patakarang ito:
- ang ibig sabihin ng "mga ad" ay mga advertisement na mula sa Google. Hindi ito tumutukoy sa anumang advertisement (o iba pang produkto o serbisyo ng pag-advertise) na hindi mula sa Google;
- tumutukoy ang "content" sa lahat ng ipinapakita mo sa mga user, kabilang ang content na binuo ng publisher, syndicated na content, content na binuo ng user, mga organic na resulta ng paghahanap, mga advertisement (mula man sa Google o third party), at mga link papunta sa iba pang site o app; at
- kapag isinaad na kailangan ang pag-apruba ng Google, nalalapat lang ang pangangailangang ito sa paggamit ng mga serbisyo ng Google, kabilang ang mga ad na mula sa Google.
Dapat mong siguraduhin na sumusunod sa mga patakarang ito ang paggamit mo sa mga serbisyo ng Google, kasama ang anumang content sa mga property kung saan ipinapatupad ang mga serbisyo ng Google. Posibleng magsagawa ang Google ng (mga) pagkilos para sa pagwawasto para sa anumang hindi pagsunod, kasama ang, pero hindi limitado sa mga sumusunod: (1) pagsususpinde sa pagbibigay ng anumang serbisyo ng Google, (2) pag-aatas sa iyo na ihinto o baguhin ang paggamit o pagpapatupad ng anumang serbisyo ng Google, o (3) paggamit sa alinman sa mga karapatan nito alinsunod sa naaangkop na Mga Online na Tuntunin ng Serbisyo ng Google AdSense, o anupamang nauugnay na kasunduan sa pagitan mo at ng Google.
Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ
Ang lahat ng paggamit ng Mga ASQ sa iyong mga site o app na naka-enable para sa CSA ay napapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:
- Hindi ka puwedeng magsama sa mga termino ng isang ASQ ng anumang content na lumalabag sa mga patakaran sa content ng Google sa mga patakaran ng Programa ng Google AdSense, naaangkop na batas, o karapatan ng third party.
- Paminsan-minsan, puwedeng iatas ng Google na huwag gumamit ng mga partikular na salita o parirala sa mga query ng paghahanap at/o kahilingan sa ad na nabubuo ng Mga ASQ.
- Ang mga termino ng ASQ na ipapadala sa kahilingan sa ad ay kung ano dapat ang mismong isinaad ng user. Halimbawa, ang pag-click ng user sa terminong "bouquet ng bulaklak" ay dapat bumuo ng kahilingan sa ad na may "bouquet ng bulaklak" (hindi "bulaklak" o "delivery ng bouquet ng bulaklak").
- Dapat mong tiyakin na ang mga termino ng ASQ na kasama sa kahilingan sa ad ay pangunahing idinisenyo para imungkahi ang mga pinakakaugnay na query ng paghahanap at hindi idinisenyo para bumuo ng mga partikular na ad (hal., mga ad na nagdadala ng mataas na cost per click) o kung hindi man ay nagpaparami ng mga impression, pag-click, at/o conversion sa artipisyal na paraan.
- Ang bawat pag-click sa isang ASQ ay dapat gawin ng isang end user ng site at dapat humantong sa isang page ng resulta ng paghahanap para maging kwalipikado ito para sa CSA.
Bukod sa mga karaniwang kinakailangang ito, may mga sariling karagdagang kinakailangan ang mga partikular na ASQ tulad ng nakabalangkas sa ibaba.
Sikat na Paghahanap
Ang "Sikat na Paghahanap" ay isang ASQ na binuo mula sa mga pinakakaraniwang paghahanap ng text na inilalagay ng mga user sa iyong mga site. Kapag nag-click ng isang end user ang ASQ, hahantong ito sa isang page ng resulta ng paghahanap na may CSA.
Bukod pa sa Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ, ang paggamit ng Mga ASQ na Sikat na Paghahanap sa iyong mga site o app na naka-enable para sa CSA ay napapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:
- Puwede kang kumuha lang ng Mga ASQ na Sikat na Paghahanap sa mga pinakasikat na query sa paghahanap na isinusumite ng mga end user sa iyong mga site.
- Dapat mong i-update ang listahan ng mga terminong ipinapakita bilang Mga ASQ na Sikat na Paghahanap sa iyong mga site kahit isang beses lang bawat linggo.
- Dapat mong lagyan ng label na "Mga Sikat na Paghahanap" (o katulad na pagtatalagang inaprubahan ng Google) ang Mga ASQ na Sikat na Paghahanap.
Iminumungkahing Paghahanap
Ang "Iminumungkahing Paghahanap" ay isang ASQ na ipinapakita sa isang end user habang naglalagay siya ng text sa box para sa paghahanap. Kapag tiyak na napili ng isang end user, hahantong ang ASQ na Iminumungkahing Paghahanap sa isang page ng resulta ng paghahanap na may CSA.
Bukod pa sa Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ, ang paggamit ng Mga ASQ na Iminumungkahing Paghahanap sa iyong mga site o app na may naka-enable na CSA ay napapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:
- Dapat mong tiyaking may direktang kaugnayan ang mga termino ng Iminumungkahing Paghahanap sa text na inilalagay ng isang end user sa box para sa paghahanap (hal., ang isang end user na magta-type ng "bul" ay puwedeng makatanggap ng Iminumungkahing Paghahanap na may terminong "bulaklak").
- Dapat mong malinaw na i-attribute sa iyo o sa third party at hindi sa Google ang ASQ na Iminumungkahing Paghahanap. Para maiwasan ang pagdududa, hindi ka puwedeng gumamit ng Mga Feature ng Brand ng Google kasama ng ASQ na Iminumungkahing Paghahanap.
- Malaki-laki dapat ang pagkakatulad ng display mo ng ASQ na Iminumungkahing Paghahanap sa iyong mga site na may naka-enable na CSA sa mockup sa ibaba maliban na lang kung may ibang inaprubahan ang Google.
Kaugnay na Paghahanap
Ang "Kaugnay na Paghahanap" ay isang ASQ na binubuo ng mga sumusunod na awtomatikong ginawang termino, na kapag na-click ng isang end user, ay mapupunta sa page ng resulta ng paghahanap na may CSA:
- Mga terminong nauugnay sa naunang query sa paghahanap ng end user.
- Mga terminong nauugnay sa content ng page.
Bukod pa sa Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ, ang paggamit ng Mga ASQ na Iminumungkahing Paghahanap sa iyong mga site o app na may naka-enable na CSA ay napapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:
- Dapat mong lagyan ng label na "Mga Kaugnay na Paghahanap" (o katulad na pagtatalagang inaprubahan ng Google) ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap.
- Hindi ka puwedeng magkaroon ng mahigit sa 2 "unit ng kaugnay na paghahanap" sa bawat page.
Mga kasalukuyang kundisyon para sa mga page ng mga resulta ng paghahanap
- Puwedeng ilagay ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap sa mga sumusunod na placement sa page
- Sa kanan/kaliwa ng mga resulta ng paghahanap
- Sa ibaba ng mga resulta ng paghahanap
- Sa pagitan ng itaas na unit ng ad at mga resulta ng paghahanap
- Dapat aprubahan ng Google sa kasulatan ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap na ipinapatupad sa itaas ng page ng resulta ng paghahanap, sa itaas ng itaas na unit ng ad.
- Kung nakahalo ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap sa mga resulta ng paghahanap sa site, dapat ay may kahit 3 resulta ng paghahanap sa itaas ng Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap.
- Hindi mo dapat ihalo ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap sa mga resulta ng Programmable Search Engine ng Google.
- Ang mga termino sa isang ASQ na Kaugnay na Paghahanap para sa mga page ng mga resulta ng paghahanap ay puwedeng buuin ng Google o puwedeng buuin mo o ng isa pang source. Kapag hindi binubuo ng Google ang mga termino sa Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap:
- Dapat mong malinaw na i-attribute sa iyo o sa third party at hindi sa Google ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap. Para maiwasan ang pagdududa, hindi ka puwedeng gumamit ng Mga Feature ng Brand ng Google kasama ng Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap.
Mga karagdagang kundisyon para sa mga page na hindi mga resulta ng paghahanap na may natatangi o orihinal na content
- Puwedeng ilagay ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap sa mga sumusunod na placement sa page
- Sa kanan/kaliwang bahagi ng content
- Sa ibaba ng content
- Sa pagitan ng content
- Para sa paglilinaw, hindi ka puwedeng maglagay ng Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap sa mga page na lumalabag sa mga patakaran ng Programa ng Google AdSense, naaangkop na batas, o karapatan ng third party.
- Ang mga termino sa ASQ na Kaugnay na Paghahanap para sa mga page na hindi mga resulta ng paghahanap ay dapat binuo ng Google. Kung sakaling makakapagbigay ka ng mga mungkahi para sa mga termino sa ASQ na Kaugnay na Paghahanap para isaalang-alang ng Google (na tutukuyin ayon sa sariling paghuhusga ng Google):
- Hindi ka puwedeng magbigay ng mga termino na lumalabag sa mga patakaran sa content ng Google sa mga patakaran ng Programa ng Google AdSense, naaangkop na batas, o karapatan ng third party.
- Dapat mong tiyakin na ang mga termino ay pangunahing idinisenyo para imungkahi ang mga pinakakaugnay na query ng paghahanap at hindi idinisenyo para bumuo ng mga partikular na ad (hal., mga ad na nagdadala ng mataas na cost per click) o kung hindi man ay nagpaparami ng mga impression, pag-click, at/o conversion sa artipisyal na paraan.
- Dapat mong tiyaking hindi idinisenyo ang mga mungkahi para i-target ang mga partikular na user, o grupo ng mga user batay sa affinity o iba pang nakabahaging attribute (hal., demograpiko).
Pag-browse ng Kategorya
Ang mga page ng Pag-browse ng Kategorya ay mga page na nakikita ng isang user habang nagna-navigate siya sa isang menu o directory ng mga opsyon o kategorya ng content. Halimbawa, posibleng bina-browse ng isang user na nasa isang site ng pamimili ang mga aklat na available, at pagkatapos, puwede niyang pinuhin ang paghahanap/pag-browse sa pamamagitan ng pag-click sa "Nonfiction." Sa SERP na iyon, posibleng i-click ng user ang "Mga bagong may-akda" para pinuhin pa ang paghahanap. Paliit nang paliit ang bilang ng mga resulta ng paghahanap ng bawat page habang nagiging mas partikular ang query ng user. Sa pangkalahatan, binubuo dapat ng orihinal na content ang karanasan sa paghahanap na pag-browse ng kategorya at dapat itong magpakita ng sapat na lalim at lawak para maging kwalipikado ito para sa CSA.
Ang ASQ na “Pag-browse ng Kategorya” ay isang menu o directory na nagbibigay-daan sa user na i-navigate ang iyong site sa pamamagitan ng paglilimita sa pagtuon niya.
Bukod pa sa Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ, ang paggamit ng Mga ASQ na Pag-browse ng Kategorya sa iyong mga site o app na may naka-enable na CSA ay napapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:
- Puwede lang magpakita ng CSA bilang tugon sa mga pag-click ng user sa ASQ na Kategorya ng Pag-browse na sapat ang pagkalimitado, ayon sa pagtukoy ng Google. Halimbawa, puwedeng ma-trigger ang CSA bilang tugon sa pag-click ng isang end user sa terminong “sweater” pero hindi sa terminong “damit.”
- Puwede kang magsama ng mga pangunahing kategorya ng ASQ na Pag-browse ng Kategorya sa mga kahilingan sa ad na pinasimulan mula sa isang ASQ na Pag-browse ng Kategorya (ibig sabihin, puwede mong isama ang mga listing ng directory sa trail ng breadcrumb sa mga nasabing kahilingan).