Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Mga ad para sa paghahanap

Patakaran sa mga Google Search ad: Mga Alternatibong Query sa Paghahanap

Binago: Nobyembre 15, 2024

Ang Mga Alternatibong Query sa Paghahanap (Alternative Search Query o ASQ) ay anumang paraan ng pag-trigger ng mga resulta ng paghahanap (search engine results page o SERP) maliban sa paglalagay ng query ng user sa isang box para sa paghahanap. Magagamit ang text ng query na bumubuo ng SERP para humiling ng mga Google Search ad (CSA) ng Google alinsunod sa mga alintuntunin sa page na ito.

Nalalapat ang mga alituntuning ito sa mga ASQ, sa content, placement, pag-format, at gawi ng mga ito, pati na rin sa mga termino ng Mga ASQ na kasama sa mga kahilingan sa ad na ipinapadala sa Google.

Kasalukuyang available ang mga sumusunod na uri ng ASQ para sa mga publisher na naka-enable para sa mga Search ad. Para magamit ang mga ito, dapat kang sumunod sa Mga Karaniwang Requirement sa ASQ at sa mga partikular na kinakailangan para sa bawat ASQ.

Bilang paglilinaw, para sa mga layunin ng mga patakarang ito:

  • ang ibig sabihin ng "mga ad" ay mga advertisement na mula sa Google. Hindi ito tumutukoy sa anumang advertisement (o iba pang produkto o serbisyo ng pag-advertise) na hindi mula sa Google;
  • tumutukoy ang "content" sa lahat ng ipinapakita mo sa mga user, kabilang ang content na binuo ng publisher, syndicated na content, content na binuo ng user, mga organic na resulta ng paghahanap, mga advertisement (mula man sa Google o third party), at mga link papunta sa iba pang site o app; at
  • kapag isinaad na kailangan ang pag-apruba ng Google, nalalapat lang ang pangangailangang ito sa paggamit ng mga serbisyo ng Google, kabilang ang mga ad na mula sa Google.

Dapat mong siguraduhin na sumusunod sa mga patakarang ito ang paggamit mo sa mga serbisyo ng Google, kasama ang anumang content sa mga property kung saan ipinapatupad ang mga serbisyo ng Google. Posibleng magsagawa ang Google ng (mga) aksyon para sa pagwawasto para sa anumang hindi pagsunod, kasama ang, pero hindi limitado sa sumusunod: (1) pagsususpinde sa pagbibigay ng anumang serbisyo ng Google, (2) pag-atas sa iyo na ihinto o baguhin ang paggamit o pagpapatupad ng anumang serbisyo ng Google, o (3) paggamit sa anuman sa mga karapatan nito sa bisa ng naaangkop na Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Google, Mga Online na Tuntunin ng Serbisyo ng Google AdSense, o anupamang nauugnay na kasunduan sa pagitan mo at ng Google.

Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ

Ang lahat ng paggamit ng Mga ASQ sa iyong mga site o app na naka-enable para sa mga Search ad ay napapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:

  • Hindi ka puwedeng magsama sa mga termino ng isang ASQ ng anumang content na lumalabag sa mga patakaran sa content ng Google sa mga patakaran ng Programa ng Google AdSense, naaangkop na batas, o karapatan ng third party.
  • Paminsan-minsan, puwedeng iatas ng Google na huwag gumamit ng mga partikular na salita o parirala sa mga query ng paghahanap at/o kahilingan sa ad na nabubuo ng Mga ASQ.
  • Ang mga termino ng ASQ na ipapadala sa kahilingan sa ad ay kung ano dapat ang mismong isinaad ng user. Halimbawa, ang pag-click ng user sa terminong "bouquet ng bulaklak" ay dapat bumuo ng kahilingan sa ad na may "bouquet ng bulaklak" (hindi "bulaklak" o "delivery ng bouquet ng bulaklak").
  • Dapat mong tiyakin na ang mga termino ng ASQ na kasama sa kahilingan sa ad ay pangunahing idinisenyo para imungkahi ang mga pinakakaugnay na query ng paghahanap at hindi idinisenyo para bumuo ng mga partikular na ad (hal., mga ad na nagdadala ng mataas na cost per click) o kung hindi man ay nagpaparami ng mga impression, pag-click, at/o conversion sa artipisyal na paraan.
  • Ang bawat pag-click sa isang ASQ ay dapat gawin ng isang end user ng site at dapat humantong sa isang page ng mga resulta ng paghahanap para maging kwalipikado ito para sa mga Search ad.

Bukod sa mga karaniwang kinakailangang ito, may mga sariling karagdagang kinakailangan ang mga partikular na ASQ tulad ng nakabalangkas sa ibaba.

Sikat na Paghahanap

Ang "Sikat na Paghahanap" ay isang ASQ na binuo mula sa mga pinakakaraniwang paghahanap ng text na inilalagay ng mga user sa iyong mga site. Kapag na-click ng isang end user ang ASQ, hahantong ito sa isang page ng mga resulta ng paghahanap na may mga Search ad.

Bukod pa sa Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ, ang paggamit ng Mga ASQ na Sikat na Paghahanap sa iyong mga site o app na naka-enable para sa mga Search ad ay napapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:

  • Puwede kang kumuha lang ng Mga ASQ na Sikat na Paghahanap sa mga pinakasikat na query sa paghahanap na isinusumite ng mga end user sa iyong mga site.
  • Dapat mong i-update ang listahan ng mga terminong ipinapakita bilang Mga ASQ na Sikat na Paghahanap sa iyong mga site kahit isang beses lang bawat linggo.
  • Dapat mong lagyan ng label na "Mga Sikat na Paghahanap" (o katulad na pagtatalagang inaprubahan ng Google) ang Mga ASQ na Sikat na Paghahanap.

Iminumungkahing Paghahanap

Ang "Iminumungkahing Paghahanap" ay isang ASQ na ipinapakita sa isang end user habang naglalagay siya ng text sa box para sa paghahanap. Kapag tiyak na napili ng isang end user, hahantong ang ASQ na Iminumungkahing Paghahanap sa isang page ng mga resulta ng paghahanap na may mga Search ad.

Bukod pa sa Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ, ang paggamit ng Mga ASQ na Iminumungkahing Paghahanap sa iyong mga site o app na may naka-enable na mga Search ad ay napapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:

  • Dapat mong tiyaking may direktang kaugnayan ang mga termino ng Iminumungkahing Paghahanap sa text na inilalagay ng isang end user sa box para sa paghahanap (hal., ang isang end user na magta-type ng "bul" ay puwedeng makatanggap ng Iminumungkahing Paghahanap na may terminong "bulaklak").
  • Dapat mong malinaw na i-attribute sa iyo o sa third party at hindi sa Google ang ASQ na Iminumungkahing Paghahanap. Para maiwasan ang pagdududa, hindi ka puwedeng gumamit ng Mga Feature ng Brand ng Google kasama ng ASQ na Iminumungkahing Paghahanap.
  • Malaki-laki dapat ang pagkakatulad ng display mo ng ASQ na Iminumungkahing Paghahanap sa iyong mga site na may naka-enable na mga Search ad sa mockup sa ibaba maliban na lang kung may ibang inaprubahan ang Google.

Diagram ng Box para sa Paghahanap

Kaugnay na Paghahanap para sa Mga Page ng Mga Resulta ng Paghahanap

Ang "Kaugnay na Paghahanap" ay isang ASQ na binubuo ng mga awtomatikong binuong terminong nauugnay sa naunang query sa paghahanap ng isang end user, na kapag na-click ng end user ay hahantong sa isang page ng mga resulta ng paghahanap na may mga Search ad. Para maiwasan ang kawalan ng kasiguraduhan, tumutukoy ang "Kaugnay na Paghahanap" na binabanggit sa ibaba sa Kaugnay na Paghahanap para sa mga page ng mga resulta ng paghahanap.

Bukod pa sa Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ, ang paggamit ng Mga ASQ na Iminumungkahing Paghahanap sa iyong mga site o app na may naka-enable na mga Search ad ay napapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:

  • Dapat mong lagyan ng label na "Mga Kaugnay na Paghahanap" (o katulad na pagtukoy na inaprubahan ng Google) ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap.
  • Hindi ka puwedeng magkaroon ng mahigit sa 2 "unit ng kaugnay na paghahanap" sa bawat page.
  • Puwedeng ilagay ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap sa mga sumusunod na placement sa isang page ng mga resulta ng paghahanap:
    • Sa kanan/kaliwa ng mga resulta ng paghahanap
    • Sa ibaba ng mga resulta ng paghahanap
    • Sa pagitan ng itaas na unit ng ad at mga resulta ng paghahanap
  • Dapat aprubahan ng Google sa kasulatan ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap na ipinapatupad sa itaas ng page ng resulta ng paghahanap, sa itaas ng itaas na unit ng ad.
  • Kung nakahalo ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap sa mga resulta ng paghahanap sa site, dapat ay may kahit 3 resulta ng paghahanap sa itaas ng Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap.
  • Hindi mo dapat ihalo ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap sa mga resulta ng Programmable Search Engine ng Google.
  • Ang mga termino sa isang ASQ na Kaugnay na Paghahanap para sa mga page ng mga resulta ng paghahanap ay puwedeng buuin ng Google o puwedeng buuin mo o ng isa pang source. Kapag hindi binubuo ng Google ang mga termino sa Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap:
    • Dapat mong malinaw na i-attribute sa iyo o sa third party at hindi sa Google ang Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap. Para maiwasan ang pagdududa, hindi ka puwedeng gumamit ng Mga Feature ng Brand ng Google kasama ng Mga ASQ na Kaugnay na Paghahanap.

Pag-browse ng Kategorya

Ang mga page ng Pag-browse ng Kategorya ay mga page na nakikita ng isang user habang nagna-navigate siya sa isang menu o directory ng mga opsyon o kategorya ng content. Halimbawa, posibleng bina-browse ng isang user na nasa isang site ng pamimili ang mga aklat na available, at pagkatapos, puwede niyang pinuhin ang paghahanap/pag-browse sa pamamagitan ng pag-click sa "Nonfiction." Sa SERP na iyon, posibleng i-click ng user ang "Mga bagong may-akda" para pinuhin pa ang paghahanap. Paliit nang paliit ang bilang ng mga resulta ng paghahanap ng bawat page habang nagiging mas partikular ang query ng user. Sa pangkalahatan, binubuo dapat ng orihinal na content ang experience sa paghahanap na pag-browse ng kategorya at dapat itong magpakita ng sapat na lalim at lawak para maging kwalipikado ito para sa mga Search ad.

Ang ASQ na “Pag-browse ng Kategorya” ay isang menu o directory na nagbibigay-daan sa user na i-navigate ang iyong site sa pamamagitan ng paglilimita sa pagtuon niya.

Bukod pa sa Mga Karaniwang Kinakailangan sa ASQ, ang paggamit ng Mga ASQ na Pag-browse ng Kategorya sa iyong mga site o app na may naka-enable na mga Search ad ay napapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:

  • Puwede lang magpakita ng mga Search ad bilang sagot sa mga pag-click ng user sa ASQ na Pag-browse ng Kategorya na sapat ang pagkalimitado, ayon sa pagtukoy ng Google. Halimbawa, puwedeng ma-trigger ang mga Search ad bilang sagot sa pag-click ng isang end user sa terminong “sweater” pero hindi sa terminong “damit.”
  • Puwede kang magsama ng mga pangunahing kategorya ng ASQ na Pag-browse ng Kategorya sa mga kahilingan sa ad na pinasimulan mula sa isang ASQ na Pag-browse ng Kategorya (ibig sabihin, puwede mong isama ang mga listing ng directory sa trail ng breadcrumb sa mga nasabing kahilingan).

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
I-unlock ang Potensyal sa Paglago

Huwag palampasin ang mahahalagang insight sa AdSense. Mag-opt in para makatanggap ng mga ulat sa performance, naka-personalize na tip, at imbitasyon sa webinar na makakatulong na i-boost ang kita mo

Mag-opt in

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8909408096907310075
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false