May default na istilo ang lahat ng istilo ng paghahanap. Ito ang pag-istilong nalalapat sa mga page na gumagamit sa style ID nito. Gayunpaman, puwede kang maglapat ng ibang istilo sa halip na ang default na istilo sa pamamagitan ng kundisyunal na pag-istilo.
Nagbibigay-daan sa iyo ang kundisyunal na pag-istilo na maglapat ng iba't ibang istilo sa iyong mga page ng mga resulta ng paghahanap sa iba't ibang platform at sa mga bahagi ng isang page. Halimbawa, puwedeng gustuhin mong maglapat ng ibang pag-istilo sa iyong mga ad kapag lumalabas ang mga ito sa desktop at iba rin kapag sa mobile.
Gumagamit ka ng mga panuntunan sa istilo para tukuyin kung kailan mo gustong ilapat ang isang kundisyunal na istilo. Puwede kang gumawa ng mga panuntunan sa istilo para sa mga platform (desktop, mobile, atbp.) at/o container ng ad. Halimbawa, sabihin nating mayroon kang istilo (mobilestyle1) na gusto mong ilapat kapag lumalabas ang container ng iyong ad (afscontainer1) sa mobile. Gagawa ka ng panuntunan sa istilong gaya nito: ilapat ang mobilestyle1 kung ang platform ay mobile at ang container ID ay afscontainer1.
Paano mag-set up ng kundisyunal na istilo
- Mag-sign in sa iyong AdSense account.
- I-click ang Mga ad para sa paghahanap, pagkatapos ay Mga istilo ng paghahanap.
- I-click ang I-edit sa tabi ng istilo kung saan mo gustong maglapat ng mga panuntunan.
- I-click ang button na kundisyunal na pag-istilo .
- Sa panel na "Kundisyunal na pag-istilo," i-click ang + Magdagdag ng kundisyunal na istilo.
- Maglagay ng pangalan para sa iyong kundisyunal na istilo.
- Gumawa ng panuntunan sa istilo sa pamamagitan ng pagpili ng platform at (kung gusto mo) paglalagay ng container ID.
Tip: Para ilapat ang iyong kundisyunal na istilo sa lahat ng container sa page, maliban sa mga container na tina-target ayon sa ID sa iba pang kundisyunal na istilo, iwanang blangko ang field ng container ID.
- I-click ang I-save. Kung gumawa ka ng mga pagbabago sa pag-istilo para sa panuntunang ito, hihilingin din sa iyong pumili ng opsyon sa pag-save.
I-edit ang panuntunan sa istilo para sa isang kundisyunal na istilo
- Mag-sign in sa iyong AdSense account.
- I-click ang Mga ad para sa paghahanap, pagkatapos ay Mga istilo ng paghahanap.
- I-click ang I-edit sa tabi ng istilong may kundisyunal na istilong gusto mong i-edit.
- I-click ang button na kundisyunal na pag-istilo .
- Sa panel na "Kundisyunal na pag-istilo," hanapin ang kundisyunal na istilong gusto mong i-edit.
- I-click ang Higit pa I-edit.
- Gawin ang mga kinakailangang pagbabago sa iyong panuntunan sa istilo.
- I-click ang I-save.
- I-click ang I-save para kumpirmahin.Tandaan: Kapag nag-update ka ng panuntunan sa istilo, agad nitong maaapektuhan ang lahat ng search ad na gumagamit ng istilong iyon.
Mag-delete ng kundisyunal na istilo
- Mag-sign in sa iyong AdSense account.
- I-click ang Mga ad para sa paghahanap, pagkatapos ay Mga istilo ng paghahanap.
- I-click ang I-edit sa tabi ng istilong may kundisyunal na istilong gusto mong i-delete.
- I-click ang button na kundisyunal na pag-istilo .
- Sa panel na "Kundisyunal na pag-istilo," hanapin ang kundisyunal na istilong gusto mong i-delete.
- I-click ang Higit pa I-delete.
- I-click ang I-delete para kumpirmahin.
Tandaan: Kapag nag-delete ka ng kundisyunal na istilo, agad nitong maaapektuhan ang lahat ng search ad na gumagamit ng istilong iyong.