Kung nakatanggap ka ng notification na nagsasabing "hindi nakakapasa" o "babala" ang status ng isa sa iyong mga site, ibig sabihin, may na-detect ang Google na mga karanasan sa ad sa site mo na hindi nakakasunod sa Better Ads Standards. Para matulungan ang mga publisher na mapaganda ang kanilang mga karanasan sa ad, araw-araw naming sinusuri ang mga site at nagre-record kami ng mga video ng mga karanasan sa ad na napag-alamang hindi nakakasunod. Kung "hindi nakakapasa" o "babala" ang status ng site mo, makikita sa iyong Ulat sa Karanasan sa Ad ang mga visual na ito, kasama ng impormasyon tungkol sa Better Ad Standards at kung paano posibleng makaapekto sa site mo ang mga isyu.
Miyembro ang Google ng pandaigdigan at pambuong industriya na Coalition for Better Ads at ganap nitong sinusuportahan ang Better Ads Standards. Kinakailangan ng Mga Patakaran ng Google para sa Publisher ang pagsunod sa Better Ads Standards. Lubos naming hinihikayat ang mga publisher sa AdSense na tingnan ang kanilang Ulat sa Karanasan sa Ad at lutasin ang anumang natukoy na isyu. Ganito ito gawin:
- Pag-access sa ulat
Ang Ulat sa Karanasan sa Ad ay bahagi ng Google Search Console, na nangangahulugang kailangang na-verify na may-ari ng site ka para ma-access ito. Puwede mong hilingin sa iyong webmaster na idagdag ka bilang may-ari o user, o ikaw mismo ang mag-verify sa pagmamay-ari. Matuto pa.
- Pag-unawa sa ulat
Kung nasuri ang iyong site at "Babala" o "Hindi Nakakapasa" ang status, magpapakita ang ulat ng mga video ng mga karanasan sa ad na malamang na kaiinisan o ikakalito ng mga bisita mo. Mag-click sa mga ulat sa desktop o mobile para makita ang mga partikular na karanasang natukoy.
Tandaan: Ifi-filter ng Chrome ang mga ad sa iyong site kung mahigit 30 araw nang "Hindi Nakakapasa" ang status sa pagsusuri nito. Tandaang magkahiwalay na pinapamahalaan ang mga pagsusuri sa desktop at mobile. Halimbawa, kung isinasaad ng Ulat na "Hindi Nakakapasa" ang status ng iyong site para sa mga karanasan sa ad sa mobile (pero hindi sa mga karanasan sa ad sa desktop), at hindi mo aayusin ang mga isyu sa loob ng inabisong 30 araw, ifi-filter ang mga ad sa Chrome sa mga mobile device (pero hindi sa mga desktop device). - Pag-aayos sa mga isyu at paghiling ng pagsusuri
Kapag natukoy mo na ang mga lumalabag na karanasan, puwede mo nang gawan ng paraan ang pag-alis sa mga ito. Pagkatapos noon, ilarawan kung paano mo nilutas ang bawat isyu sa bahaging "Humiling ng pagsusuri" at i-click ang Naayos ko na ito. Makakatanggap ka ng email ng kumpirmasyon na nagsasabing isinisagawa ang iyong pagsusuri. Matuto pa.
Kapag nalutas mo na ang lahat ng isyu sa Ulat sa Karanasan sa Ad, mawawala ang notification sa iyong AdSense account.