Panimula
Nalalapat ang mga patakarang ito sa paggamit ng mga serbisyo ng AdSense for Search (AFS) ng Google sa pamamagitan ng protocol ng mga Search ad (CSA).
Bilang paglilinaw, para sa mga layunin ng mga patakarang ito:
- ang ibig sabihin ng "mga ad" ay mga advertisement na mula sa Google. Hindi ito tumutukoy sa anumang advertisement (o iba pang produkto o serbisyo ng pag-advertise) na hindi mula sa Google;
- tumutukoy ang "content" sa lahat ng ipinapakita mo sa mga user, kabilang ang content na binuo ng publisher, syndicated na content, content na binuo ng user, mga organic na resulta ng paghahanap, mga advertisement (mula man sa Google o third party), at mga link papunta sa iba pang site o app; at
- kapag isinaad na kailangan ang pag-apruba ng Google, nalalapat lang ang pangangailangang ito sa paggamit ng mga serbisyo ng Google, kabilang ang mga ad na mula sa Google.
Dapat mong siguraduhin na sumusunod sa mga patakarang ito ang paggamit mo sa mga serbisyo ng Google, kasama ang anumang content sa mga property kung saan ipinapatupad ang mga serbisyo ng Google. Posibleng magsagawa ang Google ng (mga) aksyon para sa pagwawasto para sa anumang hindi pagsunod, kasama ang, pero hindi limitado sa sumusunod: (1) pagsususpinde sa pagbibigay ng anumang serbisyo ng Google, (2) pag-atas sa iyo na ihinto o baguhin ang paggamit o pagpapatupad ng anumang serbisyo ng Google, o (3) paggamit sa anuman sa mga karapatan nito sa bisa ng naaangkop na Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Google, Mga Online na Tuntunin ng Serbisyo ng Google AdSense, o anupamang nauugnay na kasunduan sa pagitan mo at ng Google.
Mga Patakaran
Bukod pa sa mga patakaran ng Programa ng Google AdSense, ang mga Search ad ng AdSense ay may mga sumusunod na karagdagang patakaran na dapat mong sang-ayunan para makasali ka.
Nalalapat ang mga sumusunod na patakaran sa lahat ng pagpapatupad ng Search ad sa mga pang-desktop na site at pang-mobile na site. Bilang paglilinaw, hindi sinusuportahan ang mga pagpapatupad ng search ad sa mga mobile app.
- Dapat tumugma sa layunin sa paghahanap ng user ang variable ng query na ipapasa sa Google
Puwede lang gamitin ang mga Search ad sa mga page ng resulta ng paghahanap na ibinalik mula sa malinaw na layunin sa paghahanap ng user mula sa isa sa tatlong source:- Isang query sa paghahanap na direktang inilagay at isinumite ng isang user sa isang box para sa paghahanap nang hindi ito ine-edit, binabago, o fini-filter. Hindi puwedeng i-prepopulate ng mga termino para sa paghahanap ang box para sa paghahanap, at hindi puwedeng gumawa ang mga publisher ng mga link na may mga na-prepopulate na termino para sa paghahanap.
- Isang product-integrated feature sa AdSense for Search, na binigyan ng kahulugan at sumusunod sa mga patakaran ng Google sa Product-Integrated Feature sa AdSense for Search.
- Isang Alternatibong Query sa Paghahanap, na inilalarawan at nakakasunod sa Mga Patakaran sa Alternatibong Query sa Paghahanap ng Google.
- Isang request sa mga Search ad lang ang pinapayagan sa bawat aksyon ng user
Hindi ka puwedeng gumawa ng mahigit sa isang request para sa mga Search ad sa bawat aksyon ng user. Ang aksyon ng user ay puwedeng isang pag-click ng user, o pag-scroll na nagsimula ng asynchronous na pag-load ng higit pang resulta ng paghahanap. - Katangian ng nahahanap na content
Tulad ng inilarawan sa Mga patakaran ng Programa ng AdSense, hindi dapat nakatuon ang iyong nahahanap na content sa may copyright na content o content na lumalabag sa aming mga alituntunin sa content ng site. - Magagamit lang ang code sa mga page ng mga resulta ng paghahanap
Puwede lang ilagay ang mga unit ng ad sa mga page ng mga resulta ng paghahanap. - Dapat ay malinaw na natukoy at makikilala ang mga ad kumpara sa mga resulta ng paghahanap
- Hindi puwedeng magbigay ng insentibo para sa mga paghahanap
Hindi mo puwedeng gantimpalaan ang mga user para sa panonood ng mga ad o paghahanap. - Dapat lumabas ang mga ad sa mga page na may mga resulta ng paghahanap
Ginawa ang ad para dagdagan ang mga resulta ng paghahanap na ibinabalik ng iyong site at hindi dapat magsilbi ang mga ito bilang mga resulta mismo. - Hindi puwedeng i-backfill ng mga partner ang mga Search ad gamit ang mga ad ng AdSense para sa Content (AdSense for Content o AFC), Google Ad Manager, at/o AdMob
Hindi pinapahintulutan na pagsama-samahin ang mga uri ng request sa isang placement, gaya ng pag-backfill ng mga resulta ng mga Search ad sa isa pang pag-advertise sa Google, hal., gamit ang AdSense para sa Content, Google Ad Manager, o AdMob. Hindi rin pinapayagan ang pagpapalit-palit ng mga uri ng request para sa iisang placement, halimbawa, ang paggamit ng mga Search ad ng AdSense sa ilang view, at paggamit ng AdSense para sa Content, Google Ad Manager, o AdMob sa iba pang view. -
Hindi ka puwedeng maglagay ng mga Search ad sa page na nagpapakita rin ng demand ng text ng Google Ads sa pamamagitan ng ibang unit.
-
Bilang ng mga ad na nauugnay sa mga organic na resulta
Ang dami ng mga ad ay hindi dapat lumampas sa dami ng mga resulta ng paghahanap para sa query sa paghahanap ng isang user. -
Maliban na lang kung inaprubahan ng Google sa kasulatan, hindi puwedeng ipatupad ang mga Search ad sa mga page ng resulta ng paghahanap kung saan nakokompromiso ang mga resulta ng paghahanap sa malaki-laking bahagi ng mga sumusunod:
- Mga Video
- Mga Larawan
- Pagsasama-sama ng balita
- Mga Tao
- Musika
- Content na nagmula sa anumang serbisyo ng Google bukod sa Google Programmable Search Engine (hal., YouTube API).
Mga patakarang partikular sa desktop
-
Maximum na tatlong unit ng ad sa bawat page Puwedeng magtampok ang iyong mga page ng resulta ng paghahanap ng hanggang tatlong unit ng ad. Puwede ka ring magsama ng isang unit ng link, at isang unit ng AdSense para sa Content o Ad Exchange na dapat lang maitakda bilang isang image ad na naka-target sa placement.
-
Bilang ng mga ad kaugnay ng mga organic na resulta
- Ang dami ng mga ad ay hindi dapat lumampas sa dami ng mga resulta ng paghahanap para sa query sa paghahanap ng isang user.
- Maximum na limang ad (isang unit) sa itaas o ibaba ng mga resulta ng paghahanap at hindi dapat masakop ng mga ad ang mahigit sa one-third ng espasyo ng resulta ng paghahanap nang hindi nag-i-scroll
- Maximum na walong ad sa mga unit na nasa gilid ng mga resulta
Mga patakarang partikular sa Mobile Web at Tablet
- Maximum na dalawang unit ng ad sa bawat page
Hindi ka puwedeng gumawa ng mahigit sa isang request para sa mga Search ad para sa Mobile sa bawat page kung saan magpapakita ng mga resulta. Puwedeng magtampok ang iyong mga page ng resulta ng paghahanap ng hanggang dalawang unit ng ad ng mga Search ad para sa Mobile. Isang unit ng ad lang dapat ang makikita sa screen sa anumang pagkakataon. - Hindi ka puwedeng magkaroon ng mahigit sa tatlong ad sa itaas na unit ng ad at mahigit sa tatlong ad sa ibabang unit ng ad.
- Hindi ka puwedeng magkaroon ng mahigit sa isang unit ng Search ad para sa Mobile na makikita ng user sa bawat pagkakataon.