Ang session ng ad ay isang yugto ng interaction sa site mo mula sa isang natatanging bisita sa isang partikular na device.
Puwede mong isipin ang mga sukatan ng mga session ng ad bilang paraan ng pag-bundle ng mga aksyong may kaugnayan sa mga ad na ginagawa ng isang user sa site mo. Halimbawa, posibleng maraming pageview at ad impression sa isang session ng ad.
Gumagamit ang AdSense ng cookies para mag-ugnay ng isang session ng ad sa isang natatanging user at device. Sa ilang sitwasyon, imposibleng maiugnay ang isang request sa ad sa isang session ng ad, gaya ng, kung na-disable o na-delete ng user o ng setting ng browser ng user ang cookies, o kung nag-opt out siya sa mga naka-personalize na ad.
Gaanno katagal umaabot ang isang session ng ad?
Bilang default, natatapos ang isang session ng ad pagkalipas ng 30 minutong walang aktibidad o sa hatinggabi sa United States Pacific Time (PST):
- 30 minutong walang aktibidad
Nagsisimulang magbilang ang AdSense mula sa sandaling dumating ang isang user sa site mo. Kung 30 minuto na ang lumipas nang walang anumang uri ng interaction sa mga ad sa site mo mula sa user na iyon, matatapos ang session ng ad. Gayunpaman, sa tuwing makikipag-interact ang user sa site mo (halimbawa, nagbukas ng bagong page na may mga ad), ire-reset ng AdSense ang oras ng pag-expire sa pamamagitan ng pagdaragdag ng 30 minuto mula sa oras ng interaction na iyon.
- Hatinggabi
Kung dumating ang isang user sa site mo nang 11:50 PM noong Agosto 14 at umalis nang 12:10 AM noong Agosto 15. Magtatala ang AdSense ng dalawang session ng ad: isang natapos nang 11:59:59 PM noong Agosto 14, at isang nagsimula nang 12:00 AM noong Agosto 15.
Sa sandaling matapos ang isang session ng ad, puwedeng magsimula ang user ng panibagong session ng ad. Puwedeng makipag-interact ang user sa iyong site sa maraming session ng ad na nangyayari sa iisang araw o sa loob ng ilang araw, linggo, o buwan.
Mga pagkakaiba ng mga session sa AdSense at Google Analytics
Ang pangunahing pagkakaiba ng mga session ng ad sa AdSense at mga session ng ad sa Google Analytics ay ang paraan ng pagsukat sa mga ito.
Sinusukat lang ng AdSense ang mga session sa mga page na may mga ad, habang sinusukat naman ng Google Analytics ang mga session sa lahat ng page, may mga ad man ang mga ito o wala. Kung hindi tumingin ng anumang ad ang isang bisita sa site mo sa kanyang pagbisita (halimbawa, dahil gumagamit siya ng ad blocker), hindi magtatala ng session ang AdSense, pero magtatala ng session ang Google Analytics.
Bukod dito, puwede kang makakita ng mga pagkakaiba sa pagitan ng mga session sa AdSense at Google Analytics sa ganitong mga sitwasyon:
- Ang mga page mong may mga AdSense ad ay posibleng walang tracking code ng Google Analytics, at vice versa.
- Posibleng hindi masukat ng AdSense ang 100% ng mga session sa iyong site, halimbawa, kung binago ng user ang mga setting ng kanyang cookie o kung nag-install siya ng ad blocker.
- Magbubukas ang Google Analytics ng bagong session sa tuwing magbabago ang source ng campaign ng isang user.
- Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Analytics na baguhin ang timeout ng session para matapos ang mga session pagkalipas ng isang partikular na tagal ng panahon kaysa sa default na 30 minutong walang aktibidad.
- Puwedeng gamitin ng Google Analytics ang hatinggabi sa ibang timezone kaysa sa AdSense para tapusin ang mga session.
- Ipinapakita ng mga sukatan ng session ng AdSense kung paano nakikipag-interact ang mga user sa mga ad sa site mo, habang ipinapakita naman ng Google Analytics ang mga interaction sa iyong mga page. Kaya puwedeng tumugma ang maraming ad impression sa AdSense sa isang "impression" sa Google Analytics.