Nagsusumikap kaming isama ang mga sukatan ng Aktibong View sa aming mga produkto ng ad para maibigay sa aming mga partner ang impormasyong kailangan nila para maunawaan ang viewability ng kanilang mga site. Tutulungan ka ng artikulong ito na maunawaan kung ano ang mga natitingnang impression at kung ano ang kahulugan nito para sa iyong site. Nagbibigay din ito ng ilang suhestyon para mapataas ang bilang ng mga natitingnang impression na nabubuo ng site mo.
Sa page na ito
- Ano ang natitingnang impression at viewability?
- Bakit mahalaga sa akin ang viewability?
- Paano pahusayin ang viewability ng iyong ad?
- Higit pa tungkol sa viewability ng ad
Ano ang natitingnang impression at viewability?
Ang Aktibong View ay ang solusyon ng Google sa pagsukat sa viewability ng ad. Sinusubaybayan nito ang viewability ng mga ad na inihahatid ng AdSense: ibig sabihin, ang porsyento ng mga ad na itinuturing na natitingnan sa kabuuang dami ng mga ad na nasukat.
Itinuturing na natitingnang impression ang isang impression kapag lumabas ito sa browser ng isang user at nagkaroon ito ng pagkakataong makita. Inilalarawan namin ang natitingnang impression bilang ad na nakakatugon sa mga sumusunod na pamantayan: kailangang lumabas sa screen ang 50% ng mga pixel ng ad sa loob ng isang tuloy-tuloy na segundo. Nagbibigay ng data ng pagsukat ang pag-uulat sa Aktibong View para ipaalam sa mga publisher ang dami ng mga natitingnang impression na nabuo ng kanilang site. Magagamit ng mga publisher ang data na ito para maunawaan at mapahusay ang viewability ng kanilang site.
Bakit mahalaga sa akin ang viewability?
Makakatulong ang data ng viewability sa mga publisher na pataasin ang pangmatagalang value ng kanilang imbentaryo ng display. Makikita ng mga advertiser ang viewability ng mga partikular na unit ng ad at makakapagpasya sila sa pag-bid batay sa mga rate ng viewability nila.
Dumarami ang mga advertiser na gustong bumili ng mga natitingnang impression, at ang mga publisher na may pinakamaraming makikitang imbentaryo ang nasa pinakamagandang posisyon para kumita nang higit pa mula sa trend na ito.
Kapag na-maximize ang dami ng mga natitingnang impression sa iyong site, magiging kwalipikado ang karagdagang imbentaryo sa mga advertiser ng brand na bumibili ng mga natitingnang impression sa Google Display Network.
Paano pahusayin ang viewability ng iyong ad?
Kapag pamilyar ka na sa mga istatistika ng viewability, may ilang pagbabagong puwede mong gawin para mapahusay ang iyong mga resulta:
Gumawa ng nakakapukaw na content
Gumamit ng mga tumutugong unit ng ad
Ino-optimize ang mga tumutugong unit ng ad para ma-maximize ang performance ng ad ayon sa mga property ng screen/device kung saan tinitingnan ang mga ito.
Gumamit ng mga tumutugong ad para umangkop ang mga ito sa partikular na browser na ginagamit para tingnan ang mga ad na iyon. Nagbibigay ito ng magandang experience ng user, alinmang device (mobile, tablet, o desktop) ang pipiliin nila para tingnan ang iyong content at mga ad.