Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Mga Ulat

Data ng Aktibong View sa pag-uulat

Ang Aktibong View ay ang solusyon sa pagsukat sa viewability ng ad ng Google, na sumusubaybay sa viewability ng mga ad na inihahatid ng AdSense. Nakakatulong ang viewability para malaman kung gaano kaposibleng aktwal na nakita ng user ang isang ad. Itinuturing na natitingnan ang isang ad kung nakikita ang kahit 50% lang ng bahagi nito sa screen sa loob ng hindi bababa sa isang segundo (ang minimum na pamantayan ayon sa mga pamantayan ng Interactive Advertising Bureau (IAB)). May dalawang mahalagang bagay rito, iyon ay ang (a) anong bahagi ng ad ang lumalabas sa natitingnang espasyo ng screen at (b) gaano katagal nakikita ang bahaging iyon ng ad.

Nakakatulong ang pagsukat ng viewability sa mga publisher at advertiser na ma-assess ang value ng impression. Halimbawa, isaalang-alang ang isang placement sa ibaba ng webpage. Kung kailangan ng user na mag-scroll pababa para makita ang ibaba ng page, maaaring hindi makita ng user ang ad bago siya mag-navigate paalis sa page. Gayunpaman, para sa isang user na may mas malaking screen, maaaring lumabas ang buong page sa natitingnang espasyo—na nangangahulugang nakikita rin ang ad. Maituturing na impression ang dalawang sitwasyon, pero ang viewability lang ang nakakasubaybay kung naging aktwal na nakikita ng user ang isang ad.

Maaari mong gamitin sa pag-uulat ang data ng Aktibong View para matulungan kang pataasin ang pangmatagalang value ng iyong imbentaryo sa display. Halimbawa, para sa mga impression na may uri ng bid na CPC, nagbibigay sa iyo ang data ng Aktibong View ng higit pang impormasyon tungkol sa kung gaano kaposibleng iki-click ng isang user ang iyong ad, dahil kailangan naman talagang makita para ma-click ang ad mo. Pinapahusay rin nito ang katangiang makapanghikayat ng iyong imbentaryo ng ad sa mga advertiser ng brand na interesadong malaman kung aktwal bang may tsansa na makita ang kanilang mga ad, at posibleng magbayad nang mas matataas na RPM para sa mga natitingnang impression. Bukod pa rito, ang data ng Aktibong View ay nagbibigay ng insight sa kung alin sa iyong mga unit ng ad o bahagi ng site mo ang may pinakamataas at pinakamababang viewable rate at kung saan mo dapat ituon ang iyong pagsisikap na mapahusay ang viewability, hal., sa pamamagitan ng pagtingin sa mga ulat mo sa Mga unit ng ad o Custom na channel.

Tandaan: Ang kasama lang sa data ng Aktibong View ay mga impression mula sa mga regular na unit ng ad ng AdSense para sa content (AFC) at AdSense for video (AFV), at hindi kasama rito ang data mula sa mga unit ng link, o data mula sa dynamic allocation sa Google Ad Manager.

To access Active View data, use the following reporting metrics, which you’ll find under the “Active Views” metric family tab above the main graph area:

  • Nasusukat na Aktibong View: Ang porsyento ng mga impression na nasusukat sa Aktibong View, mula sa kabuuang bilang ng mga impression.

    Kahit may Aktibong View ang isang ad, maaaring mapigilan ng ilang bagay na makakuha ng data ang tag. Halimbawa, kung ilalagay ang tag ng ad ng publisher sa cross-domain na Iframe, maaaring hindi masukat ang viewability nito. Gayundin, kapag nakikita ang backup na imahe ng ad o inihahatid ang isang default na ad, hindi maituturing na nasusukat ang impression. Ang kasama lang sa sukatang ito ay ang mga impression mula sa mga regular na unit ng ad ng AdSense para sa content at AdSense for video, at hindi kasama rito ang data mula sa mga unit ng link, o data mula sa dynamic allocation sa Google Ad Manager.

  • Natitingnang Aktibong View: Ang porsyento ng mga natitingnang impression, mula sa lahat ng nasusukat na impression.

    Nasusukat ang lahat ng natitingnang ad, dahil hindi mo makukumpirma kung natugunan ng ad ang mga pamantayan para sa viewability kung hindi ito nasusukat. Halimbawa, ipagpalagay nating ang mga ad sa site mo ay nagkaroon ng 100 nasusukat na impression. Ang ibig sabihin nito, nagkaroon ng 100 impression kung saan nasukat ng mga tag ng Aktibong View ang viewability. Kung 10 lang sa 100 impression na iyon ang nasukat bilang natitingnan, magkakaroon lang ang site ng 10% Viewability ng Aktibong View. Ang kasama lang sa sukatang ito ay ang mga impression mula sa mga regular na unit ng ad ng AdSense para sa content at AdSense for video, at hindi kasama rito ang data mula sa mga unit ng link, o data mula sa dynamic allocation sa Google Ad Manager.

  • Average na Oras na Nakikita: Ang average na tagal (sa segundo) kung saan nakikita sa screen ang hindi bababa sa 50% ng mga pixel ng iyong mga ad.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
I-unlock ang Potensyal sa Paglago

Huwag palampasin ang mahahalagang insight sa AdSense. Mag-opt in para makatanggap ng mga ulat sa performance, naka-personalize na tip, at imbitasyon sa webinar na makakatulong na i-boost ang kita mo

Mag-opt in

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
10102769183395617225