Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Kaligtasan ng brand

Payagan at i-block ang mga Google-certified na ad network

Pinapayagang lumabas ang mga ad mula sa mga certified Google ad network sa iyong mga page bilang default. Sa page na Mga ad network, maitatakda mo ang iyong mga kagustuhan para sa pag-block ng mga ad mula sa mga kasalukuyang ad network, o sa lahat ng ad network sa hinaharap.

Tandaan: Kapag naka-block ang mga network, hindi mabibili ng mga iyon ang iyong imbentaryo, pero makikita pa rin ang imbentaryo mo sa mga tool sa pag-target ng mga iyon. Kung susubukan ng isang mamimili na i-target sa iyong imbentaryo ang mga ad mula sa naka-block na network, hindi gagana ang mga ad.

Ano ang dapat pag-isipan bago mag-block ng mga ad network

Bago ka mag-block ng Google-certified na ad network, dapat mong isaalang-alang ang sumusunod:

Mga ad auction

Ang proseso ng ad auction at bahagi ng kita para sa programa ng Google Ads ay kagaya ng proseso nito sa mga Google-certified na ad network. Laging ipapakita ng aming system ang mga ad na may pinakamataas na bayad, nanggaling man ang mga ad sa Google Ads o sa isang ad network. Kung magba-block ka ng ad network, puwede itong magkaroon ng negatibong epekto sa kita dahil hindi makikipagkumpitensya ang na-block na network sa auction sa iyong site, at samakatuwid, hindi makakapaghatid ng potensyal na kita para sa espasyo mo para sa ad.

Revenue per thousand impressions (RPM)

Kinakatawan ng RPM ang tinantyang mga kita na naipon mo para sa bawat 1000 impression na natatanggap mo. Hindi namin inirerekomendang i-block mo ang mga ad network batay sa RPM. Isaalang-alang ang sumusunod na halimbawa:

Ad network Mga Impression RPM
Network A 10000 Php50
Network B 14 Php150
Network C 1000 PhP25.00

Network B ang may pinakamataas na RPM at mukhang nauungusan nito ang iba pang network. Gayunpaman, ang sukatang ito ay batay lang sa 14 na impression at hindi ito nangangahulungang dapat kang umasa ng parehong kita para sa susunod na 1000 o 10000 impression. Nag-iiba-iba ang halaga ng mga impression, kaya ang RPM para sa kaunting impression ay puwedeng makapanlinlang.

Network C ang may pinakamababang RPM. Gayunpaman, kapag na-block ang Network C dahil may mababa itong RPM, puwede itong magkaroon ng negatibong epekto sa kita. Mas mababa ang RPM ng Network C dahil nananalo ito sa mga auction na may mga hindi gaanong mahalagang impression. Palaging susubukan ng aming system na i-maximize ang halaga ng bawat impression sa isang auction. Kung iba-block mo ang Network C, posibleng isa pang network na may mas mababang binayarang bid ang manalo sa auction.

Paano payagan at i-block ang mga ad network

  1. Mag-sign in sa iyong AdSense account.
  2. I-click ang Kaligtasan sa brand.
  3. I-click ang iyong produkto. Halimbawa, i-click ang Content para sa mga ad ng AdSense para sa Content.
  4. I-click ang Mga kontrol sa pag-block.
  5. I-click ang Pamahalaan ang Mga ad network.
  6. Kung gusto mong awtomatikong payagan ang mga ad mula sa mga ad network na puwedeng i-certify ng Google sa hinaharap, i-on ang Awtomatikong payagan ang mga bagong Google-certified na ad network.
  7. Para payagan o i-block ang isang kasalukuyang Google-certified na ad network, gamitin ang kontrol sa tabi ng pangalan ng ad network.
    Tip: Gamitin ang box para sa paghahanap para humanap ng mga partikular na ad network.

    Mailalapat ang mga pagbabago sa loob ng humigit-kumulang isang oras.


Suriin ang kaalaman mo

I-review ang natutunan mo. Masasagot mo ba ang mga sumusunod na tanong?

Tanong 1: Ano ang magagawa mo sa pag-block ng ad?

Nagbibigay-daan sa iyong mag-block ng mga ad mula sa mga kasalukuyang ad network, o lahat ng ad network sa hinaharap./

Tanong 2: Ano ang epekto ng pag-block ng network?

Kapag naka-block ang mga network, hindi mabibili ng mga iyon ang iyong imbentaryo, pero makikita pa rin ang imbentaryo mo sa mga tool sa pag-target ng mga iyon. Kung susubukan ng isang mamimili na i-target sa iyong imbentaryo ang mga ad mula sa naka-block na network, hindi gagana ang mga ad.

Tanong 3: Puwede bang negatibong makaapekto sa kita ang pag-block ng network?

Oo. Kung magba-block ka ng ad network, puwede itong magkaroon ng negatibong epekto sa kita dahil hindi makikipagkumpitensya ang na-block na network sa auction sa iyong site, at samakatuwid, hindi makakapaghatid ng potensyal na kita para sa espasyo mo para sa ad.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5656075229355939287
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false