Gumagana ang AdSense sa 2 pinakakamakailang bersyon ng mga sumusunod na browser. Para sa pinakamagandang karanasan sa AdSense, inirerekomenda naming panatilihin mong napapanahon ang iyong browser.
Puwedeng gumana ang iba pang browser, pero baka hindi mo magamit ang lahat ng feature.
Tandaan:
- Kailangang naka-on ang JavaScript at cookies sa iyong browser para matingnan mo ang mga Google ad at magamit mo ang AdSense.
- Puwedeng maapektuhan ng mga ad blocker ang ilang feature sa AdSense. Kung nakakaranas ka ng mga isyu, subukang pansamantalang i-disable ang iyong ad blocker.