Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Kaligtasan ng brand

Suriin ang mga ad gamit ang Ad review center

Nagbibigay-daan sa iyo ang Ad review center na suriin at gumawa ng pagkilos sa mga indibidwal na ad na lumalabas sa iyong mga page. Inilalarawan ng artikulong ito kung paano gamitin ang Ad review center para magsuri ng mga ad at mag-block ng mga ad, at, kung magbabago ka ng isip, mag-undo ng mga pagbabago.

Suriin ang mga ad

Sa Ad review center, siguraduhing nakatakda sa "Pinapayagan" ang filter na Status. Mayroon ka na ngayong listahan ng mga hindi pa nasusuring ad na lumabas sa iyong site sa loob ng nakalipas na 30 araw. Tandaang nakatanggap dapat ang mga ad ng kahit man lang kaunting impression para maging kwalipikado para sa pagsusuri.

Mapipili mong pagbukud-bukurin ang mga hindi mo pa nasusuring ad sa iba't ibang paraan. I-click ang Pagbukud-bukurin ayon sa at pumili ng opsyon:

  • Pinakamaraming mga impression: Nira-rank ang mga ad ayon sa dami ng mga impression na natanggap ng mga ito. Ibig sabihin, kapag ginamit mo ang opsyong ito, ang mga ad na pinakamadalas lumabas ang una mong susuriin. Tandaan na posibleng matagalan bago lumabas sa pagkakasunod-sunod ang mga pinakakamakailang impression.
  • Binibigyang-priyoridad para sa pagsusuri: Binibigyang-priyoridad ang mga ad batay sa posibleng sensitibong content, o dahil sa hula namin, puwedeng magkaroon ng napakaraming impression ang mga ito sa hinaharap. Ibig sabihin, kapag ginamit mo ang opsyong ito, ang pinakamahahalagang ad ang una mong susuriin.

Suriin ang mga ad sa page. Suriin ang bilang ng mga impression para sa bawat ad para maunawaan kung ano ang posibleng maging epekto ng pag-block dito.

Puwede ka ring mag-click sa isang ad para tumingin ng higit pang detalye tungkol dito. Sa view ng detalye ng ad, puwede kang tumingin sa buong laking preview sa ad at impormasyon tungkol sa laki, uri, destination URL, Google Ads account, atbp. Matuto pa tungkol sa pagsusuri sa mga ad sa view ng detalye.

Tip: Kung naghahanap ka ng mga partikular na ad, puwede kang mag-type sa search bar o gamitin ang mga opsyon sa pag-filter para maghanap ng mga ad sa Ad review center. Halimbawa, puwede kang maghanap ng mga ad ayon sa text, destination URL, larawan, o domain kung saan inihatid ang mga ito.

Markahan ang mga ad bilang nasuri na

Kung masaya kang patuloy na lumabas ang isang ad sa iyong mga page, puwede mo itong markahan bilang nasuri. Magiging "Nasuri na" ang status kung nasuri na ang ad, kaya hindi mo na kakailanganing suriin ito ulit.

Para markahan ang isang indibidwal na ad bilang nasuri na:

  • Mag-hover sa ad at i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Markahan bilang nasuri na.

Para markahan ang isang page ng mga ad bilang nasuri:

  • Lagyan ng check ang Piliin lahat, pagkatapos ay i-click ang Markahan bilang nasuri na.

Mag-block ng mga ad

Kung ayaw mo nang lumabas ulit ang isang ad sa iyong mga page, puwede mo itong i-block. Kapag nag-block ka ng ad, magiging "Na-block" ang status nito.

Para mag-block ng ad:

  • Mag-hover sa ad at i-click ang I-block ang ad I-block.

Para mag-block ng page ng mga ad:

  1. Lagyan ng check ang Piliin lahat, at pagkatapos ay i-click ang I-block I-block.
  2. Suriin ang bilang ng mga ad, tinatantyang kita, at impormasyon tungkol sa mga impression para maunawaan ang epekto ng pag-block sa mga ad.
  3. (Opsyonal) Lagyan ng check ang kahon kung gusto mo ring iulat ang mga ad na ito dahil sa paglabag sa 1 o higit pang patakaran ng Google Ads.
  4. I-click ang I-block ang mga ad.

Dapat mailapat sa iyong mga page ang mga update na ginawa mo sa mga ad sa loob ng ilang oras.

Tandaan: Para makatipid ka ng oras sa paghahanap ng iba pang katulad na ad na iba-block, awtomatikong sinusubukan ng Ad review center na i-block ang mga ad na pareho ang hitsura kapag nag-block ka ng ad.

I-undo ang mga pagbabago

Pagkatapos mong magsagawa ng pagkilos sa isang ad, puwede mong i-click kaagad ang I-undo. Puwede mo ring i-undo ang iyong mga pagbabago sa ibang pagkakataon.

Para payagan ang isang ad na na-block mo:

  • Itakda ang filter ng Status sa "Naka-block" para makakuha ng listahan ng mga ad na na-block mo. Hanapin ang ad na gusto mong payagan, at pagkatapos ay i-click ang Payagan ang ad .

Para payagan ang isang page ng mga na-block na ad:

  • Itakda ang filter ng Status sa "Naka-block" para makakuha ng listahan ng mga ad na na-block mo. Lagyan ng check ang Piliin lahat, at pagkatapos ay i-click ang Payagan .

Puwedeng tumagal nang hanggang isang araw bago mailapat sa iyong mga page ang mga update sa mga ad na isinagawa mo dati.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1096672681094972441
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false