Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Mga ad para sa paghahanap

Mga patakaran ng AdSense for Search (AFS)

(Agosto 12, 2024) Dahil sa mga patuloy na nangyayari sa Russia, ipo-pause namin ang kakayahan ng mga publisher na nasa Russia na mag-monetize sa AdSense, AdMob, at Ad Manager.

(Marso 23, 2022) Dahil sa giyera sa Ukraine, ipo-pause namin ang pag-monetize ng content na nananamantala, nagbabalewala, o nagkukunsinti sa giyera.

(Marso 10, 2022) Dahil sa kamakailang pagsususpinde ng mga system ng pag-advertise ng Google sa Russia, ipo-pause namin ang paggawa ng mga bagong account sa Russia sa AdSense, AdMob, at Google Ad Manager. Bukod pa rito, ipo-pause namin ang mga ad sa mga pag-aari at network ng Google sa buong mundo para sa mga advertiser na nakabase sa Russia.

(Marso 3, 2022) Dahil sa patuloy na digmaan sa Ukraine, pansamantala naming ipo-pause ang paghahatid ng mga ad sa mga user na nasa Russia.

(Pebrero 26, 2022) Kaugnay ng digmaan sa Ukraine, ipo-pause namin ang pag-monetize ng Google sa media na pinopondohan ng estado ng Russian Federation. 

Patuloy naming aktibong susubaybayan ang sitwasyon at gagawa kami ng mga adjustment ayon sa kinakailangan.

Panimula

Nalalapat ang mga patakarang ito sa paggamit ng mga serbisyo ng AdSense for Search (AFS) ng Google.

Bilang paglilinaw, para sa mga layunin ng mga patakarang ito:

  • ang ibig sabihin ng "mga ad" ay mga advertisement na mula sa Google. Hindi ito tumutukoy sa anumang advertisement (o iba pang produkto o serbisyo ng pag-advertise) na hindi mula sa Google;
  • tumutukoy ang "content" sa lahat ng ipinapakita mo sa mga user, kabilang ang content na binuo ng publisher, syndicated na content, content na binuo ng user, mga organic na resulta ng paghahanap, mga advertisement (mula man sa Google o third party), at mga link papunta sa iba pang site o app; at
  • kapag isinaad na kailangan ang pag-apruba ng Google, nalalapat lang ang pangangailangang ito sa paggamit ng mga serbisyo ng Google, kabilang ang mga ad na mula sa Google.

Dapat mong siguraduhin na sumusunod sa mga patakarang ito ang paggamit mo sa mga serbisyo ng Google, kasama ang anumang content sa mga property kung saan ipinapatupad ang mga serbisyo ng Google. Posibleng magsagawa ang Google ng (mga) aksyon para sa pagwawasto para sa anumang hindi pagsunod, kasama ang, pero hindi limitado sa sumusunod: (1) pagsususpinde sa pagbibigay ng anumang serbisyo ng Google, (2) pag-atas sa iyo na ihinto o baguhin ang paggamit o pagpapatupad ng anumang serbisyo ng Google, o (3) paggamit sa anuman sa mga karapatan nito sa bisa ng naaangkop na Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Google, Mga Online na Tuntunin ng Serbisyo ng Google AdSense, o anupamang nauugnay na kasunduan sa pagitan mo at ng Google.

Mga Patakaran

  1. Pagbabago ng query
    Dapat manggaling ang mga query sa malinaw na layunin sa paghahanap ng user na nagmula sa isa sa tatlong source:

  2. Pagbabago ng code
    Hindi pinapayagan ang mga publisher sa AdSense na baguhin ang AdSense for Search code sa anumang paraan.
    Hindi puwedeng gawin ng mga publisher ang mga sumusunod:

    • I-frame ang mga resulta ng AdSense for Search
    • Alisin o baguhin ang logo ng Google
  3. Dami ng mga ad at placement ng box para sa paghahanap
    Maximum na dalawang box para sa AdSense for Search ang puwedeng ilagay sa bawat page.

  4. Magagamit lang ang code sa mga page ng mga resulta ng paghahanap
    Puwede lang ilagay ang mga unit ng ad ng sa mga page ng mga resulta ng paghahanap. Hindi puwedeng i-integrate ang AdSense for Search code sa kahit anong software application gaya ng toolbar o extension ng browser.

  5. Katangian ng nahahanap na content
    Tulad ng inilarawan sa Mga patakaran ng Programa ng AdSense, hindi dapat nakatuon ang iyong nahahanap na content sa naka-copyright na content o content na lumalabag sa aming mga alituntunin sa content ng site.

  6. Hindi puwedeng magbigay ng insentibo para sa mga paghahanap
    Hindi mo puwedeng bayaran ang mga user para sa panonood ng mga ad o paghahanap.

  7. Limitasyon sa query
    Isang query lang ang puwede mong gawin sa bawat kahilingan ng user. Limitado ang online na produktong AdSense for Search sa limang (5) bilyong query sa bawat account mula Agosto 1 hanggang Hulyo 31 ng susunod na taon.

Mga FAQ para sa AdSense for Search

Puwede ba akong gumamit ng iba pang serbisyo sa paghahanap sa internet sa AdSense for Search?

Pinapayagan ang mga publisher na magdagdag ng iba pang mga serbisyo sa paghahanap sa internet sa mga site na nagpapakita ng box para sa AdSense for Search. Gayunpaman, hindi pinapayagan ang mga ipinapakitang box para sa paghahanap na mula sa iba pang mga serbisyo sa paghahanap sa internet na gayahin ang hitsura ng box para sa paghahanap sa Google. Bukod pa rito, ang mga publisher na gumagamit ng opsyonal na feature na Site Search ay maaari ding gumamit ng mga kahaliling produkto upang maghanap sa mga content ng kanilang site.

Maaari ko bang gamitin ang search engine sa aking site?

Lubos naming inirerekomenda na huwag mong gamitin ang search engine sa iyong site upang gumawa ng sariling mga paghahanap. Ginagawa kasi nitong mas delikado ang sarili mong mga ad sa mga hindi sinasadyang pag-click, at magreresulta ito sa mga ulat na hindi nagpapakita ng wastong trapiko sa iyong mga page.

Puwede ba akong magpakita ng mga ad at isang box para sa AdSense for Search sa iisang page?

Oo. Puwede kang maglaga›y ng box para sa AdSense for Search sa anumang page na nakakatugon sa aming Mga patakaran ng programa, kahit nagpapakita ka na ng mga ad sa page na iyon. Hahantong ang mga paghahanap sa isang page ng mga resulta ng paghahanap na pinagkakakitaan din gamit ang mga ad.

Puwede ba akong maglagay ng mga ad na hindi AFS na ibinigay ng Google sa mga page ko ng mga resulta ng AFS?

Hinihiling namin na huwag kang maglagay ng anumang karagdagang ad na ibinigay ng Google, kabilang ang mga unit ng ad na text, image o video, sa mga page na may mga naka-frame na resulta ng paghahanap. Gayunpaman, puwede kang maglagay ng unit ng link o isang box para sa AdSense for Search sa page.

Para sa mga publisher na naghahatid ng mga ad sa pamamagitan ng CSA protocol, pakisuri ang aming mga patakaran sa mga Search ad.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
I-unlock ang Potensyal sa Paglago

Huwag palampasin ang mahahalagang insight sa AdSense. Mag-opt in para makatanggap ng mga ulat sa performance, naka-personalize na tip, at imbitasyon sa webinar na makakatulong na i-boost ang kita mo

Mag-opt in

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3529420761903373056
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false