Bakit nawala ang mga pag-click at kita sa iyong tinantyang mga kita
Posibleng mapansin mo ang madalas na mga pagbabago sa buong araw sa mga sukatan ng tinantyang mga kita sa iyong mga ulat, lalo na sa loob ng 48 oras mula sa inisyal na pag-uulat. Dahil ito sa lag sa pagitan ng mga kabuuang bilang ng pag-click at pag-detect ng invalid na pag-click.
Mabilis na lumalabas ang kita at pagkatapos ay ina-adjust ito pababa para sa anumang invalid na pag-click, na mas matagal iproseso.
Kapag may bisitang nag-click sa isang ad, ina-update ang tinantyang mga kita batay sa mga na-record na pag-click na ito. Gayunpaman, ipinoproseso namin ang mga invalid na pag-click pagkatapos ng inisyal na pagtatantyang ito, at ang mga nauukol na bilang ng pag-click at kita ay posibleng i-adjust pababa pagkatapos nito sa iyong mga ulat kung may ma-detect kaming invalid na aktibidad.
Lalong kapansin-pansin ang gawing ito para sa mga account na may kaunting trapiko o mataas na porsyento ng mga invalid na pag-click.
Bagama't stable na ang mga bilang ng pag-click at tinantyang kita pagkatapos ng mga insiyal na pagbabago-bagong iyon, posibleng may mapansin ka pang mga deduksyon sa iyong kabuuang mga kita sa katapusan ng buwan dahil sa anupamang invalid na aktibidad na matutukoy sa ibang pagkakataon, o iba pang debit gaya ng mga pagkakaiba sa pag-round off.
Kung nakakakita ka ng madalas na mga pagbabago, inirerekomenda naming suriin kung paano pigilan ang mga invalid na pag-click sa iyong site.
Bukod dito, puwede mong direktang iulat ang kahina-hinalang aktibidad sa aming team ng trapiko.