Inilalarawan ng artikulong ito kung paano payagan ang JavaScript sa Google Chrome, na nire-require para magpakita ng ilang media, kasama ang ilang Google ad. Nagbibigay din ito ng mga link sa dokumentasyon para i-on, i-activate, o i-enable ang JavaScript sa ibang sikat na browser.
Payagan ang JavaScript sa Google Chrome
Puwede kang magtakda ng mga pahintulot sa Google Chrome para sa lahat ng site, o para sa mga partikular na site na pipiliin mo. Para magtakda ng mga pahintulot para sa JavaScript:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang
pagkatapos ay Mga Setting.
- I-click ang Privacy at seguridad, pagkatapos ay Mga setting ng site, pagkatapos ay JavaScript.
- Piliin ang Puwedeng gumamit ng JavaScript ang mga site bilang default na gawi.
Mula sa screen na ito, puwede ka ring magdagdag ng mga site na hindi pinapayagang gumamit ng JavaScript, o piliin ang "Huwag payagan ang mga site na gumamit ng JavaScript" bilang default na gawi, at pagkatapos ay pumili ng mga partikular na site na papayagan.
I-on ang JavaScript sa iba pang browser
Sundin ang mga tagubiling ibinigay ng iyong browser:
Mga salik na posibleng makaapekto sa setting ng JavaScript ng mga browser mo
Posibleng may mabagong setting ng JavaScript dahil sa mga pag-upgrade, software na panseguridad, o patch ng browser. Kung mayroon kang mga problema sa pagtingin ng mga Google ad, dapat mong kumpirmahing pinapayagan ang JavaScript sa browser mo.
Nagbibigay-daan sa iyo ang ilang browser na itakda ang setting ng JavaScript sa "Prompt," na nagpapakita ng babala kapag kailangan ng JavaScript. Sa mga sitwasyong ito, kung nagre-require ang isang Google ad ng JavaScript, may opsyon ang mga user na magbigay ng pahintulot na i-load ang content.