Mahahanap mo ang iyong history ng pagbabayad sa page na "Mga Transaksyon" mo. Ang lahat ng iyong transaksyon sa account sa mga pagbabayad ay inaayos ayon sa buwan at ayon sa uri ng transaksyon para madali mong mahahanap ang mga bagay na tulad ng kita, pagbabayad, pagsasaayos, at buwis para sa isang yugto ng pagsingil.
Para tingnan ang iyong history ng pagbabayad, sundin ang mga hakbang na ito:
- Mag-sign in sa iyong AdSense account o account sa AdSense para sa YouTube.
- I-click ang Mga Pagbabayad, pagkatapos ay Impormasyon sa mga pagbabayad.
- Kung mayroon kang hiwalay na mga account sa pagbabayad para sa AdSense at YouTube, tiyaking pinili mo ang tamang account sa mga pagbabayad.
- I-click ang Tingnan ang mga transaskyon.
Nagde-default ang iyong history ng pagbabayad sa detalyadong view ng transaksyon para sa nakalipas na tatlong buwan. - Mag-click ng buwanang statement para tingnan ang listahan ng mga transaksyon para sa sinasakupang panahon ng pagsingil na iyon.
- May opsyon kang mag-download o mag-print ng buwanang statement:
- I-click ang I-print . Magbubukas ito ng window na nagpapakita sa mga transaksyon. I-print ang mga iyon gamit ang command na Print ng iyong browser.
- I-click ang I-download . Puwede mong i-download ang iyong history sa mga comma separated na value (CSV) na format. Puwede mong i-import ang mga record sa isang spreadsheet.
I-customize ang iyong view ng transaksyon
Puwede mong gamitin ang mga opsyon sa itaas ng page para i-filter at hanapin ang iyong mga transaksyon.
- Mag-sign in sa iyong AdSense account o account sa AdSense para sa YouTube.
- I-click ang Mga Pagbabayad, pagkatapos ay Impormasyon sa mga pagbabayad.
- Kung mayroon kang hiwalay na mga account sa pagbabayad para sa AdSense at YouTube, tiyaking pinili mo ang tamang account sa mga pagbabayad.
- I-click ang Tingnan ang mga transaskyon.
Nagde-default ang iyong history ng pagbabayad sa detalyadong view ng transaksyon para sa nakalipas na tatlong buwan. - Piliin ang Detalyadong view ng transaksyon o View ng buod mula sa pinakakaliwang Pababang arrow .
- I-click ang Pababang arrow sa tabi ng "Lahat ng transaksyon," at pumili ng uri ng transaksyon:
- Lahat ng transaksyon
- Mga Kita: Anumang kwalipikadong kita ay ipinapakita bilang buwanang transaksyon.
- Mga Pagbabayad: Anumang pagbabayad na ginawa sa iyo.
- Mga Pagsasaayos: Karaniwang anumang mga credit na inilapat sa iyong account.
- Mga Buwis: Ang mga naaangkop na buwis na nalalapat sa iyong account.
- Piliin ang yugto ng panahon na gusto mong suriin. Puwede kang pumili ng na-preset na hanay ng petsa o pumili ng sarili mong custom na hanay ng petsa. Kung pipili ka ng Custom na hanay ng petsa, maglagay ng hanay ng petsa at i-click ang Ilapat.
Mag-access ng resibo ng pagbabayad
May available na resibo ng pagbabayad sa iyong account sa tuwing makakatanggap ka ng bayad. Ang resibong ito ay isang napi-print na page na naglalaman ng mga nauugnay na detalye tungkol sa iyong pagbabayad.
Para tumingin ng resibo ng pagbabayad para sa isang partikular na pagbabayad:
- Mag-sign in sa iyong AdSense account o account sa AdSense para sa YouTube.
- I-click ang Mga Pagbabayad, pagkatapos ay Impormasyon sa mga pagbabayad.
- Kung mayroon kang hiwalay na mga account sa pagbabayad para sa AdSense at YouTube, tiyaking pinili mo ang tamang account sa mga pagbabayad.
- I-click ang Tingnan ang mga transaskyon.
Nagde-default ang iyong history ng pagbabayad sa detalyadong view ng transaksyon para sa nakalipas na tatlong buwan. - Piliin ang View ng detalye ng transaksyon mula sa pinakakaliwang Pababang arrow .
- Gamitin ang mga opsyon sa filter para maghanap ng partikular na pagbabayad.
- I-click ang link na Awtomatikong pagbabayad sa tabi ng pagbabayad na gusto mo.
May lalabas na napi-print na resibo sa bagong window o tab ng browser.