Ang Chrome DevTools ay isang hanay ng mga tool ng web developer na direktang binuo sa Google Chrome browser. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga tool na ito na suriin ang na-render na aktibidad ng HTML (DOM) at network ng iyong mga page. Puwede kang gumamit ng mga DevTools para i-troubleshoot ang mga isyu sa paghahatid ng ad.
Tiyaking naipapadala ang mga kahilingan sa ad
Ipinapakita sa iyo ng mga sumusunod na hakbang kung paano gamitin ang DevTools para tiyaking naipapadala ang mga kahilingan sa ad mula sa page mo:
- Bisitahin ang page na gusto mong imbestigahan.
- Buksan ang DevTools sa pamamagitan ng pag-right click sa page at pag-click sa Siyasatin. O kaya, puwede mong pindutin ang
Command+Option+C
(Mac) oControl+Shift+C
(Windows, Linux, Chrome OS). - I-click ang tab na Network
- Ilagay ang
ads?
sa field na "Filter."Inililista sa talahanayan ng mga kahilingan ang anumang kahilingan sa ad ng AdSense o Ad Manager na ipinadala mula sa iyong page.
- Suriin ang listahan ng mga kahilingan sa ad:
Kung makakakita ka ng: Ibig sabihin: Kahilingan sa ad na nagsisimula sa ads?client
May ipinadalang kahilingan sa ad ng AdSense mula sa iyong page. Walang kahilingan sa ad Walang naipadalang kahilingan sa ad mula sa iyong ad, na nangangahulugang walang ad na maibabalik sa page mo. O mayroong isyu sa client side na pumipigil na maipadala ang kahilingan sa ad.
Inirerekomenda naming gawin mo ang sumusunod:
- Suriin ang gabay sa pagpapatupad ng code para matiyak na naipatupad mo nang tama ang iyong mga unit ng ad.
- Tingnan kung may mga error sa client-side tulad ng inilalarawan sa ibaba.
Nakapulang kahilingan sa ad na may "Status" na 403
Natanggap ng server ang kahilingan sa ad pero tumugong hindi dapat ihatid ang isang ad sa iyong site o account. Kadalasang nagbabalik ng "Status"
403
dahil sa mga pagpapatupad ng patakaran o dahil hindi naaprubahan ang iyong site.Inirerekomenda naming gawin mo ang sumusunod:
- I-verify na walang pagpapatupad ng patakaran sa iyong site sa pamamagitan ng AdSense Policy center.
- Tiyaking may status na "handa na" ang site mo sa iyong page na Mga Site.
Kahilingan sa ad na may “Status” na 200
pero hindi pa rin nagpapakita ang iyong mga adMalamang na mayroon kang mga problema sa iyong pagpapatupad ng ads.txt. Para lutasin ang isyu, bisitahin ang aming ads.txt troubleshooter.
Tingnan kung may mga error sa client-side
Kahit na ipinatupad mo nang tama ang AdSense ad code, posibleng hindi naipapadala ang mga kahilingan sa ad mula sa iyong page dahil sa error sa client-side. Posibleng dahil ito sa browser (hal., mga extension) o mga error mula sa mga pagsusuri sa pag-validate na ipinatupad sa AdSense JavaScript (adsbygoogle.js
).
Ipinapakita sa iyo ng mga sumusunod na hakbang kung paano gamitin ang DevTools para tingnan kung may mga error sa client-side ang page mo:
- Bisitahin ang page na gusto mong imbestigahan.
- Buksan ang DevTools sa pamamagitan ng pag-right click sa page at pag-click sa Siyasatin. O kaya, puwede mong pindutin ang
Command+Option+C
(Mac) oControl+Shift+C
(Windows, Linux, Chrome OS). - I-click ang tab na Console.
- Tingnan kung may mga ganitong error:
Kung makakakita ka ng: Ibig sabihin: ERR_BLOCKED_BY_CLIENT
Pinigilan ng browser ang pag-download sa
adsbygoogle.js
(ang JavaScript na ginagamit ng AdSense para magpakita ng mga ad). Kadalasan, dahil ito sa isang extension (hal., ad blocker) na naka-install sa browser.Halimbawa:
GET https://pagead2.googlesyndication.com/
pagead/js/adsbygoogle.js net::ERR_BLOCKED_BY_CLIENTadsbygoogle.js
na errorNagbalik ng error ang mga pagsusuri sa pag-validate sa
adsbygoogle.js
. Tinitiyak ng mga pagsusuring ito sa pag-validate na tumutugma sa isang ad ang isang kahilingan sa ad, pagkatapos ay mailalagay na ang ad.May nangyayaring karaniwang error kung sinusubukan ng AdSense na maglagay ng tumutugong ad sa iyong page pero walang sapat na available na espasyo para ilagay ang ad.
Halimbawa:
adsbygoogle.push() error: Fluid responsive ads
hindi dapat bababa sa 250px ang lapad: availableWidth=0