Kung binago mo ang robots.txt file ng iyong site para pagbawalan ang crawler ng AdSense sa pag-index sa mga page ng site mo, hindi kami makakapaghatid ng mga ad ng Google sa site.
Para i-update ang iyong robots.txt file para bigyan ng access ang aming crawler sa iyong site, alisin ang sumusunod na dalawang linya ng text sa iyong robots.txt file:
User-agent: Mediapartners-Google
Disallow: /
Dahil sa pagbabagong ito, mabibigyan ng pahintulot ang aming crawler na i-index ang content ng iyong site at bigyan ka ng mga ad ng Google.