Inilalarawan ng artikulong ito ang "Kaugnay na Paghahanap," na isa sa mga feature na Mga Alternatibong Query sa Paghahanap (Alternative Search Query o ASQ) na available sa AdSense for Search (AFS). Sa pamamagitan ng Kaugnay na Paghahanap, makakapagpakita ka ng mga termino para sa kaugnay na paghahanap kapag nagsagawa ng query sa paghahanap ang isang user sa iyong site.
Kapag nag-click ang user sa termino para sa kaugnay na paghahanap, dadalhin siya sa ibang page ng mga resulta ng paghahanap. Gamit ang kaugnay na paghahanap sa iyong mga resulta ng paghahanap, mapaparami mo ang paghahanap sa iyong site at matutulungan mo ang mga user na makita ang hinahanap nila.
Puwede kang matuto pa tungkol sa Patakaran sa Mga Google Search ad: Mga Alternatibong Query sa Paghahanap.
Gumawa ng unit ng kaugnay na paghahanap para sa iyong mga page ng paghahanap
- Gumawa ng istilo ng paghahanap sa iyong AdSense account gamit ang mga setting ng kaugnay na paghahanap.
- Kunin ang code para sa iyong istilo ng paghahanap at i-paste ito sa HTML ng mga page ng paghahanap mo.