Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Pamahalaan ang iyong mga site

Content at karanasan ng user sa Google AdSense

Para mag-monetize ng site sa AdSense, dapat mayroon kang natatangi at mahalagang content at dapat nagbibigay ka ng magandang karanasan ng user. I-explore ang mga tip namin dito.

Magbigay ng sapat na natatanging content

Para maging handa ang iyong site na magpakita ng mga AdSense ad, tiyaking may sapat na natatanging content ang iyong mga page para matukoy namin kung tungkol saan ang site mo. Dapat kang magbigay ng content na nagbibigay ng dahilan sa iyong mga user na bisitahin at balikan ang site mo.

Google AdSense Quality content

Kapag gumagawa ka ng content, mahalagang itanong sa iyong sarili kung malaki ba ang halaga at originality na naibibigay nito kumpara sa iba pang site na tumatalakay rin sa parehong mga paksa, dahil maghihikayat ito ng higit na bisita sa iyong site. Sa pamamagitan ng mga tool tulad ng Google Trends, puwede kang magkaroon ng ideya sa kung saan interesado ang mga tao para maiangkop mo ang iyong content. Maraming libreng tool na kasama sa Google Analytics na puwedeng makatulong sa iyo na bumuo ng mas kumpletong ideya tungkol sa iyong mga user at tumukoy ng mga bahagi kung saan mo pa mapapahusay ang iyong pag-market ng content. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang aming post sa blog ng AdSense sa paggawa ng natatanging content ng website sa 3 hakbang.

Bukod dito, tiyaking regular mong ia-update ang iyong site. Sa patuloy na pagdaragdag ng bago at natatanging content, mananatiling bago and ang iyong site at magkakaroon ka ng mas maraming bumabalik na bisita.

Isa pa, huwag kalimutang tiyaking sumusunod ang iyong content sa Mga patakaran sa spam para sa paghahanap sa web ng Google. Inirerekomenda ng Mga patakaran sa spam para sa paghahanap sa web ng Google na huwag magkunwari at huwag gumamit ng mga doorway na page, mga page na may kaunti o walang content, o mga page na naka-optimize para sa mga partikular na keyword o parirala.

Tiyaking walang duplicate na content

Gaya ng nakasaad sa Mga Patakaran ng Google para sa Publisher, hindi puwedeng maglagay ng mga ad ng Google sa mga site na may na-scrape o naka-copyright na content. Kasama sa ilang halimbawa ng mga nagse-scrape na site ang:

  • Mga site na nangongopya at nagpa-publish ulit ng content mula sa ibang site nang hindi nagdaragdag ng anumang content o halaga
  • Mga site na nangongopya ng content mula sa iba pang site, babaguhin ito nang kaunti (halimbawa, sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga kasingkahulugan o paggamit ng mga naka-automate na technique), at ipa-publish ito ulit
  • Mga site na para lang sa pag-embed ng content tulad ng video, mga larawan, o iba pang media mula sa iba pang site nang hindi nakapagdaragdag ng malaking halaga sa user

Mag-ingat kapag gumagamit ng mga external na resource tulad ng mga external na artikulo o naka-embed na video. Mahalagang makapag-ambag ka ng sarili mong orihinal na content, ito man ay kaalaman ng isang espesyalista, mga ideya sa pagpapahusay, mga review, o mga personal mong naiisip. Tingnan kung natatangi ang content sa iyong site at hindi kinopya ang mga fragment mula sa iba pang site. Tiyakin ding hindi na-duplicate ang mismong content sa mismong page o sa maraming page sa iyong site.

Kung marami kang page na magkatulad o may halos magkatulad na content, pag-isipang palawakin ang bawat page o pagsama-samahin ang mga page sa isa. Bukod dito, subukan ding i-minimize ang mga umuulit na mahahabang segment ng text sa iba't ibang page para sa iyong site, halimbawa, sa halip na magsama ng mahabang text ng copyright sa ibaba ng bawat page, magsama na lang ng maikling buod at pagkatapos ay mag-link sa isang page na may higit na detalye. Puwede mong gamitin ang tool na Paggamit ng Parameter para tukuyin kung paano mo gustong pangasiwaan ang mga parameter ng URL.

Para sa higit pang tip, suriin ang aming gabay sa kung paano iwasan ang paggawa ng duplicate na content.

Gumawa ng magandang karanasan ng user sa pamamagitan ng mga element ng pag-navigate

Ang pagbibigay ng orihinal na content ay isang bahagi lang ng paggawa ng site na may mataas na kalidad. Nagbibigay-kaalaman at nakaayos din dapat ang iyong content sa paraang madaling mana-navigate ng mga user. Isaalang-alang ang pagkakaayos ng mga element (text, mga larawan, atbp.) sa iyong mga page. Dapat ay nakakaengganyo ang iyong layout at dapat ay makikita kaagad ng mga bisita kung ano ang hinahanap nila.

Google AdSense Navigation

Ang accessible at madaling gamiting navigation bar (o menu bar) ay mahalagang bahagi ng pagbibigay ng magandang karanasan ng user. Kapag ginagawa ang iyong navigation bar, isaalang-alang ang mga sumusunod na punto:

  • Pagkaka-align - Tama ba ang pagkaka-align ng lahat ng element ng pag-navigate sa lahat ng device?
  • Readability - Madali bang basahin ang content sa iyong site?
  • Functionality - Gumagana ba nang tama ang iyong mga drop-down na listahan? Naki-click ba ang lahat ng element ng pag-navigate?
  • Katumpakan - Dinadala ba ng mga element ang user sa tamang content?

Pagkatapos mong magdagdag ng natatanging content sa iyong site, huwag kalimutang ayusin ito. Inirerekomenda naming gayahin mo ang sumusunod para sa istruktura at pagkakaayos ng iyong content:

  • Magdagdag ng mga element ng pag-navigate sa menu bar at isaayos ang iyong content ayon sa paksa, kategorya, atbp. Makakatulong ito sa mga user na mas maunawaan at ma-navigate ang iyong site.
  • Iwasang ulitin ang parehong content sa maraming kategorya o page ng iyong site o gumawa ng maraming page o site na may content na mula sa ibang source.
  • Tiyaking naibibigay ng iyong site ang impormasyon at serbisyong ipinangako at wala itong link na papunta sa:
    • Mga maling pahayag tungkol sa nada-download o streaming na content
    • Mga nawawalng page
    • Walang kaugnayan o mga nakakapanlinlang na page
    • Text sa isang page na walang kaugnayan sa tema o modelo ng negosyo ng site
  • Tiyaking lalabas nang tama ang iyong site sa iba't ibang browser.

Inirerekomenda naming bisitahin ang aming post sa pagpipino sa karanasan ng user ng iyong website sa 3 hakbang.

Isumite ang iyong site para sa pagsusuri

Panghuli, huwag kalimutang suriin ang Mga patakaran ng Programa ng AdSense para tiyaking sumusunod sa aming mga patakaran ang content sa site mo.

Kailangan ng pagsisikap at oras sa paggawa ng site na may mataas na kalidad. Kapag natugunan mo na ang mga punto sa itaas, isumite ang iyong site para sa pagsusuri sa pamamagitan ng page na Mga Site sa iyong AdSense account. Karaniwang inaabot ng ilang araw ang proseso ng pagsusuri at aabisuhan ka tungkol sa mga resulta ng pagsusuri sa pamamagitan ng iyong AdSense account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15680193025878166878
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false