I-link ang Google Ads at Ads Creative Studio

Kung gumagawa ka ng mga ad para sa isang advertiser na gumagamit ng Google Ads, puwede kang mag-set up ng pag-link ng account para makapag-export ka ng mga asset na creative sa kanyang Google Ads account.

Sa kasalukuyan, puwede ka lang mag-export ng mga asset na larawan mula sa Library ng asset sa isang naka-link na Google Ads account. Sa hinaharap, magagawa mong mag-export ng mga proyekto sa mga naka-link na account. 

Sa ngayon, hindi kinakailangang mag-link ng account para mag-export ng mga proyekto ng video. Sa halip, puwede kang bumuo ng code na puwedeng ibahagi sa isang user ng Google Ads. Puwedeng gamitin ang code na ito para mag-import ng mga video sa anumang na-allowlist na Google Ads account.

Paano ito gumagana

Pagkatapos mong mag-set up ng pag-link ng account, puwede kang mag-export ng mga asset sa naka-link na Google Ads account. Pagkatapos, puwedeng gamitin ng isang user ng Google Ads account ang mga asset sa kanyang mga campaign.

Puwedeng gumawa ng mga pagbabago ang mga user ng Google Ads sa mga asset (halimbawa, pag-crop ng mga larawan) kapag nasa Google Ads na ang mga ito. Hindi makakaapekto sa orihinal na asset sa Ads Creative Studio ang anumang pagbabagong ginawa sa mga asset sa Google Ads.

Tandaan na kapag ni-link ang mga account, hindi mabibigyan ng access ang mga user ng Ads Creative Studio account na tingnan o i-edit ang Google Ads account. Gayundin, hindi magagawa ng mga user ng naka-link na Google Ads account na magdagdag, mag-edit, o mag-delete ng mga asset sa Ads Creative Studio.

Mag-link ng Google Ads account sa Ads Creative Studio

  1. Bago ka magsimula, hingin sa iyong contact sa Google Ads ang customer ID ng account kung saan mo ie-export ang iyong mga asset.
  2. Mag-sign in sa Ads Creative Studio.
  3. I-click ang Mga Setting at pagkatapos ay Access at seguridad.
  4. Sa tabi ng Google Ads, i-click ang Mga Detalye kung hindi ka pa nakakapag-link ng anumang account. Kung nakapag-link ka na ng account, i-click ang Pamahalaan at i-link.
  5. I-click ang Mag-link ng account.
  6. Ilagay ang Google Ads customer ID para sa account na gusto mong i-link.
  7. I-click ang Ipadala.

Mag-unlink ng Google Ads account mula sa Ads Creative Studio

  1.   Mag-sign in sa Ads Creative Studio.
  2. I-click ang Mga Setting at pagkatapos ay Access at seguridad.
  3. Sa tabi ng Google Ads, i-click ang Pamahalaan at i-link.
  4. Hanapin ang account na gusto mong i-unlink at i-click ang I-unlink.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16536404048990838674
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5271713
false
false