Kapag gumamit ka ng mga site, app, at serbisyo ng Google, nase-save sa iyong Google Account ang ilan sa aktibidad mo. Puwede mong hanapin at i-delete ang aktibidad na ito sa Aking Aktibdad, at puwede mong ihinto ang pag-save ng karamihan sa aktibidad anumang oras.
Tungkol sa aking aktibidad
Ang Aking Aktibidad ay isang sentral na lugar para tumingin at mamahala ng aktibidad tulad ng mga ginawa mong paghahanap, binisita mong website, at pinanood mong video.
Paano gumagana ang aktibidad
Para i-personalize ang iyong experience, puwedeng ma-save ang aktibidad mo sa ilang partikular na serbisyo ng Google tulad ng Search, YouTube, o Chrome bilang data sa iyong account. Nakakatulong ang aktibidad na ito na gawing mas mabilis at mas kapaki-pakinabang ang iyong experience sa Google.
Puwedeng kasama sa mga uri ng aktibidad na lumalabas sa Aking Aktibidad ang nauugnay na impormasyon tulad ng lokasyon, at puwede itong magdepende sa kung aling mga produkto ng Google ang ginagamit mo, at kung aling Mga kontrol ng aktibidad ang naka-on.
Kailan nase-save sa iyong account ang aktibidad
Nase-save ang aktibidad kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account.
Kinokontrol ng iyong Mga kontrol ng aktibidad ang karamihan sa aktibidad na sine-save sa account mo.
Hanapin at tingnan ang aktibidad
Nakalista ang iyong aktibidad bilang mga indibidwal na item, simula sa pinakabago.
Maghanap ng aktibidad
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa kaliwang panel ng navigation, i-click ang Data at pag-personalize.
- Sa ilalim ng "Mga setting ng history," i-click ang Aking Aktibidad.
- Para i-access ang iyong aktibidad:
- Mag-browse sa iyong aktibidad, na nakaayos ayon sa araw at oras.
- Para maghanap ng partikular na aktibidad, sa itaas, gamitin ang search bar at mga filter.
Kumuha ng mga detalye tungkol sa aktibidad
Para tumingin ng mga detalye tungkol sa isang item: Sa ibaba ng item, piliin ang Mga Detalye. Makikita mo ang petsa at oras ng aktibidad at kung bakit ito na-save. Puwede ka ring makakuha ng impormasyon ng lokasyon, device, at app.Mag-delete ng aktibidad
Alamin kung paano i-delete ang mga nakaraang paghahanap, history ng pag-browse, at iba pang aktibidad sa Aking Aktibidad. Puwede mo ring i-set up ang awtomatikong pag-delete para sa mas lumang aktibidad.
Humiling ng karagdagang hakbang para matingnan ang iyong buong history sa Aking Aktibidad
Para mapatibay ang iyong privacy sa mga nakabahaging device, puwede mong piliing humiling ng karagdagang hakbang sa pag-verify para matingnan ang buong history mo sa Aking Aktibidad.
- Pumunta sa activity.google.com.
- Sa itaas ng iyong aktibidad, piliin ang Pamahalaan ang Pag-verify sa Aking Aktibidad.
- I-on o i-off ang Karagdagang Pag-verify.
I-off at i-delete ang aktibidad
Puwede mong kontrolin ang karamihan sa impormasyon sa Aking Aktibidad.
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa kaliwa, i-click ang Data at privacy.
- Sa ilalim ng "Mga setting ng history," mag-click sa aktibidad o setting ng history na ayaw mong i-save.
- Sa ilalim ng setting na ayaw mong i-save, piliin ang I-off.
- Sundin ang mga hakbang para i-off ang setting, o piliing I-off o I-off at i-delete ang aktibidad.
- Kung pipiliin mong I-off at i-delete ang aktibidad, sundin ang mga hakbang para piliin at kumpirmahin kung anong aktibidad ang gusto mong i-delete.
Tip: May ilang aktibidad na hindi kasama sa Aking Aktibidad.
Pansamantalang ihinto ang pag-save ng aktibidad
Puwede kang maghanap at mag-browse sa web sa pribadong paraan.
Tip: Kung magsa-sign in ka sa Google Account mo sa isang window ng pribadong pag-browse, puwedeng ma-store sa account na iyon ang iyong aktibidad sa paghahanap.
Ayusin ang mga problema
Hindi lumalabas ang iyong aktibidad
Kung hindi lumalabas ang iyong mga paghahanap, website na binisita mo, o iba pang aktibidad sa Aking Aktibidad, siguraduhing:
- Naka-sign in ka. Naka-save lang ang aktibidad kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account.
- Online ang iyong device. Hindi lalabas ang anumang offline na aktibidad sa Aking Aktibidad hanggang sa kumonekta ang iyong device sa Internet.
- Naka-on ang mga tamang setting. Suriin ang iyong Mga kontrol ng aktibidad para matiyak na nase-save mo ang mga uri ng aktibidad na gusto mong ma-save.
- Sa isang account ka lang naka-sign in. Kung maraming account ang naka-sign in sa iisang browser o device nang sabay-sabay, posibleng ma-save ang iyong aktibidad sa default na account.
Tandaan: Hindi sinusuportahan ng ilang serbisyo ng Google ang pag-save ng aktibidad sa iyong account.
May nakita kang aktibidad na hindi mo nakikilala
Posibleng makita mo ang mga ganitong uri ng hindi pamilyar na aktibidad sa Aking Aktibidad.
Aktibidad mula sa mga website at app na gumagamit ng mga serbisyo ng Google
Gumagamit ang ilang mga website at app ng mga serbisyo ng Google, tulad ng Search, Maps o Ads. Kung bibisitahin mo ang mga website at app na ito habang naka-sign in sa iyong Google Account, posibleng lumabas ang aktibidad mo sa Aking Aktibidad. Kung gumagamit ka ng nakabahaging device o nagsa-sign in ka sa maraming account, posibleng makakita ka ng aktibidad mula sa ibang naka-sign in na account.
Posibleng magbahagi ng ilang partikular na aktibidad sa Google ang ilang website at app.
Matuto pa tungkol sa Aktibidad sa Web at App.
Nahulaang aktibidad
Kung minsan, hinuhulaan ng Google kung ano ang sunod na gusto mong tingnan at inihahatid nito sa iyo ang content na ito.
- Halimbawa, kung naka-on ang autoplay ng YouTube, posibleng ipakita ng Aking Aktibidad ang mga video na awtomatikong na-play batay sa napanood mo.
Iba pang hindi pamilyar na aktibidad
Posibleng makakita ka ng hindi pamilyar na aktibidad kung:
- Naka-sign in ka sa maraming account sa iisang browser o device nang sabay-sabay.
- Puwedeng ma-save sa Aking Aktibidad ang aktibidad mula sa isa pang naka-sign in na account.
- May pag-activate na hindi mo sinasadya at na-detect ito ng Google Assistant.
- Hindi ka nag-sign out sa isang nakabahaging device, tulad ng pampublikong computer.
- Iba ang nakatakdang petsa at oras sa iyong device.
- Posibleng lumabas nang may maling petsa ang aktibidad mula sa device na ito.
- May ibang taong nag-access sa iyong account nang walang pahintulot mo.
Kung naniniwala kang may ibang taong gumawa ng aktibidad sa iyong account, magsagawa ng mga hakbang para makatulong na panatilihing secure ang account mo.
Tumingin ng ibang aktibidad
Hindi lumalabas sa Aking Aktibidad ang lahat ng data na naka-save sa iyong account. Halimbawa, kung na-on mo ang History ng Lokasyon, mase-save ang data na iyon sa iyong Timeline ng Maps.
Para hanapin ang iba pang uri ng aktibidad na naka-save sa iyong account:
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa kaliwa, i-click ang Data at privacy.
- Sa "Mga setting ng history," i-click ang Aking Aktibidad.
- Sa itaas ng iyong aktibidad, sa search bar, i-click ang Higit pa Iba Pang Aktibidad sa Google.
- Sa ibaba ng aktibidad na gusto mong tingnan, piliin ang iyong opsyon.
Matuto pa tungkol sa impormasyong kinokolekta namin at kung bakit namin ito kinokolekta.
Para tingnan at pamahalaan ang iba pang impormasyon ng account, buksan ang iyong Google Account.