Bakit naantala ang iyong kahilingan sa pag-recover ng account

Kung nasunod mo na ang mga hakbang sa pag-recover ng iyong account, puwede kang makakita ng mensahe na pinoprotektahan ng security hold ang account mo. Isa itong pagkaantala sa pagitan ng panahon kung kailan gumawa ng kahilingan sa pag-recover ng iyong account at sa panahon kung kailan naproseso ang claim sa pag-recover ng account. Kung may hindi pangkaraniwan tungkol sa iyong kahilingan sa pag-recover, nakakatulong ang pagkaantalang ito na maprotektahan ang account mo.

Tip: Kung naka-sign in ka sa ibang device bukod pa sa device na ginagamit mo sa pag-recover ng account, subukan ulit gamit ang device kung saan ka naka-sign in.

Paano nakakatulong ang pagkaantala na maprotektahan ang iyong account

Sa panahon ng pagkaantalang ito, ginagamit namin ang iyong impormasyon sa pag-recover at iba pang impormasyon na ibinigay mo para abisuhan ka na may ginawang kahilingan sa pag-recover ng account. Sa ganoong paraan, kung may ibang sumusubok na mag-access sa iyong account, may oras ka para tanggihan ang kahilingan at i-secure ang account mo.

Gaano katagal ang pagkaantala ng iyong kahilingan sa pag-recover ng account

Puwedeng maantala nang ilang oras o ilang araw ang mga kahilingan sa pag-recover ng account, depende sa iba't ibang salik ng panganib. Halimbawa, kung nagdagdag ka ng higit pang seguridad sa iyong account sa pamamagitan ng pag-set up ng 2-Step na Pag-verify, posibleng mas matagal na maantala ang kahilingan mo sa pag-recover ng account.

Tip: Kung magkakaroon ka ng access sa ibang paraan para ma-verify na ikaw nga iyon sa panahon ng pagkaantala, tulad ng device kung saan ka karaniwang nagsa-sign in, puwede mong sundin ang mga hakbang para ma-recover ulit ang iyong account. Sa ganoong paraan, posibleng magkaroon ka ng mas malaking tsansa na ma-recover ang account o ma-recover ito nang mas mabilis.

Umiwas sa mga pagkaantala sa pag-recover ng account sa hinaharap

Puwede kang makatulong na siguraduhing madaling ma-access ang iyong account sa pamamagitan ng pananatiling naka-sign in, pagdaragdag ng impormasyon sa pag-recover, at pagpapanatili na updated ang impormasyon mo sa pag-recover. Kung gumagamit ka ng Two-Step na Pag-verify, puwede kang magdagdag ng mga backup para mabigyan ka ng higit pang paraan na ma-verify na ikaw nga iyon.

Matuto pa tungkol sa kung paano umiwas sa pagkaka-lock out sa iyong Google Account.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
4960492534033797071
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975