Hindi makapag-sign in sa serbisyo ng third-party

Posibleng na-block ka sa pag-sign in sa iyong Google Account sa ilang serbisyo o program noong hindi namin ma-verify na ikaw talaga ito. Kapag naka-block ang iyong pag-sign in, malamang na aabisuhan ka sa ginagamit mong serbisyo sa pamamagitan ng sumusunod:

  • Isang pangkalahatang error na nagsasabing hindi matagumpay ang iyong pag-sign in.
  • Isang error na nagsasabing mali ang iyong password at username, kahit tamang impormasyon ang inilagay mo.

Tandaan: Kung may account ka sa iyong trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon, puwede kang humingi ng tulong mula sa administrator mo.

Bakit ka na-block sa pag-sign in

Posibleng na-block ka sa pag-sign in sa iyong Google Account kung:

  • Ang serbisyo kung saan ka nagsa-sign in ay hindi nagbibigay ng sapat na impormasyon para mapatunayang ikaw ito.
  • Nag-sign in ka mula sa isang bagong lokasyon o device.

Makakuha ng mga tip sa pag-troubleshoot

Gumamit ng pinagkakatiwalaang device at lokasyon

  • Maaaring ma-block ang iyong pag-sign in kung bago ang device at lokasyong ginagamit mo. Subukan ulit mula sa isang device o lokasyon kung saan ka karaniwang nagsa-sign in.
  • Mag-sign in sa iyong Google Account sa bagong device at subukan ulit sa susunod na linggo.

I-update ang app

Kung sinusubukan mong mag-sign in sa iyong Google Account mula sa isang app, tiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon. Posibleng gumagamit ang pinakabagong bersyon ng app ng mas secure na teknolohiya sa pag-sign in.

Lumipat sa mas secure na serbisyo

Kung hindi ka pa rin makapag-sign in mula sa site, app, o program, pag-isipang lumipat sa isang serbisyong gumagamit ng mas secure na teknolohiya sa pag-sign in, tulad ng Mag-sign in gamit ang Google.

Gumagamit ang lahat ng serbisyo ng Google ng mga pinakabagong panseguridad na hakbang.

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6738308344846335231
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false