Kapag bumili ka ng serbisyo ng Google (tulad ng Google One) o bumili ka sa pamamagitan ng isang produkto ng Google (tulad ng Google Play), ise-save sa iyong Google Account ang impormasyon ng pagbabayad na ibibigay mo.
Magdagdag, mag-edit, o mag-alis ng mga naka-save na paraan ng pagbabayad
Puwede kang tumingin, magdagdag, o gumawa ng mga pagbabago sa isang kasalukuyang paraan ng pagbabayad na naka-save sa iyong Google Account.
Magdagdag ng payment method
- Mag-sign in sa Mga Paraan ng Pagbabayad.
- Sa ibaba, i-click ang Magdagdag ng paraan ng pagbabayad.
- Piliin ang paraan ng pagbabayad na gusto mong idagdag.
- Sundin ang mga tagubilin para tapusin ang pagdaragdag sa iyong paraan ng pagbabayad.
- Kung hiniling sa iyong i-verify ang paraan ng pagbabayad mo, pumili ng opsyon mula sa listahan.
- Alamin at ilagay ang code sa pag-verify.
Matuto pa tungkol sa mga opsyon sa pag-verify ng pagbabayad.
Magbago o mag-alis ng paraan ng pagbabayad
- Mag-sign in sa Mga Paraan ng Pagbabayad.
- Sa tabi ng isang paraan ng pagbabayad, i-click ang I-edit o Alisin.
Pamahalaan ang personal na impormasyon sa iyong profile sa mga pagbabayad
Sa unang pagkakataon na bumili ka sa pamamagitan ng Google, mase-save sa profile sa mga pagbabayad ang iyong impormasyon sa pagbabayad. Sa susunod na bibili ka ng isang bagay sa pamamagitan ng Google, puwede mong gamitin ulit ang impormasyon sa profile sa mga pagbabayad.
Nauugnay sa iyong Google Account ang anumang profile sa mga pagbabayad na gagawin mo.
Ano ang profile sa mga pagbabayad?
Sino-store ng iyong indibidwal na profile sa mga pagbabayad sa Google ang impormasyon tulad ng:
- Pangalan, address, at tax ID, kapag ipinag-aatas ng batas, ng responsable para sa profile sa mga pagbabayad.
- Mga credit card, debit card, bank account, at iba pang paraan ng pagbabayad na ginamit mo dati sa pagbili sa pamamagitan ng Google.
- Puwede mong gamitin ang iba pang address na idinagdag mo sa mga serbisyo ng Google, gaya ng autofill sa Chrome at Google Pay.
- Mga resibo at iba pang impormasyon tungkol sa mga nakaraang transaksyon.
- Mga subscription at umuulit na pagbabayad.
Tip: Kung namamahala ka ng profile sa mga pagbabayad sa Google para sa isang negosyo o organisasyon, alamin ang tungkol sa mga profile ng negosyo.
Pamahalaan ang mahigit isang profile sa mga pagbabayad
Kung ginagamit mo ang iyong profile para sa mga personal na pagbabayad, puwede ka lang gumawa ng isang indibidwal na profile para sa bansa o rehiyon kung nasaan ka. Sa ganitong paraan, mapapamahalaan mo ang lahat ng iyong pagbili sa Google mula sa iisang lugar.
Puwede kang magkaroon ng maraming profile sa mga pagbabayad kung magagawa mong:
- Baguhin ang iyong bansang pinagmulan o rehiyon: Kung lumipat, naglalakbay, o may pansamantalang tirahan ka sa ibang bansa o rehiyon, dapat kang gumawa ng bagong profile sa mga pagbabayad.
- Mayroon kang pangnegosyong profile sa mga pagbabayad: Puwede kang magkaroon ng indibidwal na profile at profile ng negosyo na nauugnay sa iyong Google Account.
Narito ang ilang artikulo tungkol sa paghahanap at pagbabago ng impormasyong nauugnay sa iyong profile sa mga pagbabayad.
Maghanap ng mga singil, resibo, at iba pang dating impormasyon sa pagbabayad
- Para sa karamihan ng mga pagbili, pumunta sa Aktibidad.
- Para sa ilang pagbili na ginawa mo sa pamamagitan ng mga produkto ng Google, pumunta sa Mga Subscription.
- Kung hindi mo makita ang iyong binili, mag-sign in sa produkto ng Google kung saan ka bumili at hanapin ito roon.
- Puwede kang mag-store ng digital na kopya ng iyong mga resibo sa Google Wallet. Kapag nagsasauli o nagpapapalit ka sa isang merchant, puwede mong gamitin ang mga digital na resibong ito para makapagbigay ng patunay ng pagbili. Alamin kung paano idagdag ang iyong mga resibo sa Google Wallet.
Humingi ng tulong
Kung kailangan mo ng higit pang tulong sa pamamahala sa iyong impormasyon ng pagbabayad sa Google, bisitahin ang Help Center ng Google Pay.