Hanapin, kontrolin, at i-delete ang impormasyon sa iyong Google Account

Matuto pa tungkol sa pamamahala ng impormasyon at aktibidad ng iyong Google Account. Puwede mong piliin kung anong uri ng aktibidad ang mase-save sa iyong account at kung ano ang gagamitin para i-personalize ang karanasan mo sa lahat ng serbisyo ng Google.

Suriin ang iyong mga setting ng privacy

Sa Privacy Checkup, mabilis mong mahahanap at mababago ang karamihan sa mga setting na ipinapaliwanag sa ibaba.

Pamahalaan kung anong aktibidad ang mase-save

Gamitin ang Mga kontrol ng aktibidad para piliin kung anong mga uri ng aktibidad ang mase-save sa iyong account. Kasama sa mga halimbawa ang:

  • Mga ginagawa mong paghahanap
  • Mga binibisita mong website
  • Mga pinapanood mong video
  • Mga pinupuntahan mong lugar

Nakakatulong ang data ng aktibidad na mabigyan ka ng mas magandang karanasan sa pamamagitan ng mas mabilis na paghahanap at ng mas naka-customize na karanasan sa mga produkto ng Google.

Matuto pa tungkol sa kung paano kontrolin kung anong aktibidad ang mase-save sa iyong account.

Subaybayan at i-delete ang iyong impormasyon

Nakakatulong sa iyo ang mga resource na ito na suriin at kontrolin ang aktibidad na nase-save sa iyong Google Account.

Humanap ng pangkalahatang-ideya ng iyong data

Bisitahin ang iyong Google Dashboard para tumingin ng buod ng data mo para sa iba't ibang serbisyo ng Google, tulad ng Gmail, Drive, at Calendar.

Hanapin at i-delete ang iyong aktibidad at mga file

Iyong aktibidad

Humanap at mag-delete ng aktibidad, tulad ng mga paghahanap na ginawa mo at mga website na iyong binisita, sa Aking Aktibidad.

Matuto pa tungkol sa kung paano i-delete ang iyong aktibidad.

Tip: Para madagdagan ang seguridad, puwede kang humiling ng karagdagang hakbang sa pag-verify para matingnan ang iyong buong history sa Aking Aktibidad.

Iyong mga file

Puwede mong hanapin at i-delete ang iyong mga larawan, email, dokumento, at iba pang file sa pamamagitan ng pagbisita sa may kaugnayang produkto ng Google, gaya ng:

Hanapin at i-delete ang mga lugar na napuntahan mo na

Ang History ng Lokasyon ay isang setting ng Google Account na gumagawa ng timeline, isang personal na mapang nakakatulong sa iyong alalahanin ang mga lugar na binisita mo, rutang ginamit mo, at biyaheng ginawa mo. Kapag na-on mo ang History ng Lokasyon, regular na sine-save ng iyong device ang eksaktong lokasyon nito sa mga device mo at sa mga server ng Google, kahit kapag hindi mo ginagamit ang mga Google app. Ikaw lang ang makaka-access ng iyong History ng Lokasyon.

Matuto pa tungkol sa kung paano pamahalaan o i-delete ang iyong History ng Lokasyon.

Mabibigyan ka ng History ng Lokasyon ng mas naka-pesonalize na experience sa Google, gaya ng mga rekomendasyong batay sa mga lugar na madalas mong puntahan.

Pamahalaan ang iba pang data ng lokasyon

Kung may naka-on kang iba pang setting gaya ng Aktibidad sa Web at App, at ipo-pause mo ang History ng Lokasyon o ide-delete mo ang data ng lokasyon sa History ng Lokasyon, posibleng mayroon ka pa ring naka-save na data ng lokasyon sa iyong Google Account bilang bahagi ng paggamit mo ng iba pang site, app, at serbisyo ng Google. Puwedeng kasama sa Aktibidad sa Web at App ang impormasyon tungkol sa iyong lokasyon mula sa general area at IP address ng device mo.

Halimbawa, posibleng ma-save ang general area kung nasaan ka bilang bahagi ng aktibidad sa Search at Maps kapag naka-on ang iyong setting ng Aktibidad sa Web at App. Ang iba pang lokasyon, kasama ang eksaktong lokasyon mo, ay posibleng ma-save kasama ng iyong mga larawan, depende sa mga setting ng camera app mo.

Mag-delete ng history at cookies sa Chrome at iba pang browser

Nakakatulong ang data ng history at mga cookie para makakuha ka ng mas magagandang suhestyon sa address bar. Sa ganoong paraan, mas mabilis mong makikita ang hinahanap mo.

Tingnan ang iba pang aktibidad sa Google

Puwede mo ring kontrolin ang iba pang aktibidad sa Google.

Makakatulong ang impormasyong ito na mapahusay ang mga resulta at suhestyong natatanggap mo sa mga serbisyo ng Google.

Mag-alis ng device sa iyong account
Puwede mong suriin ang mga device na kamakailang nag-sign in sa iyong account. Kung hindi mo nakikilala o hindi mo pag-aari ang device, alisin ito sa iyong account.
I-delete ang isang produkto o ang iyong account
Puwede mo ring i-delete ang iyong Google Account anumang oras. Pagkatapos itong i-delete, baka hindi mo na ito makuha ulit.

I-edit ang personal na impormasyon

Bisitahin ang Tungkol sa akin para i-edit ang iyong personal na impormasyon at kung sino ang puwedeng tumingin nito. Makakatulong ang impormasyong ito para makaugnayan ka ng mga tao sa mga serbisyo ng Google tulad ng Gmail o mahanap nila ang mga pagkakapareho ninyo.

Alamin kung paano i-edit ang iyong personal na impormasyon.

Baguhin ang mga setting ng ad

Puwede mong pamahalaan ang impormasyong ginagamit ng Google para magpakita sa iyo ng mga ad gamit ang mga setting ng ad.

Nakakatulong ang data na ito na gawing mas may kaugnayan sa iyong mga interes ang mga ad na nakikita mo.

Matuto pa tungkol sa mga Google ad at setting ng ad.

I-download ang iyong data sa Google

Puwede kang mag-download o maglipat ng data tulad ng mga larawan, email, dokumento, at contact anumang oras. Sa ganoong paraan, makukuha mo ang ginawa mong content kahit na huminto ka sa paggamit ng mga serbisyo ng Google o i-delete mo ang iyong Google Account.

Alamin kung paano i-download ang iyong data.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1347777977019683511
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false