Mahalaga: Kasalukuyan naming ina-update ang mga setting para sa mga serbisyo ng Google Search, kung saan kasama ang Search, Maps, Shopping, Flights, Mga Hotel, Translate, at News. Unti-unting ilulunsad ang mga ito sa susunod na ilang buwan. Kung hindi tumutugma ang mga setting sa artikulong ito sa nakikita mo, kinokontrol pa rin ng Aktibidad sa Web at App ang history at mga naka-personalize na rekomendasyon para sa mga serbisyo ng Search.
Matuto pa tungkol sa pamamahala ng impormasyon at aktibidad ng iyong Google Account. Puwede mong piliin kung anong uri ng aktibidad ang mase-save sa iyong account at kung ano ang gagamitin para i-personalize ang karanasan mo sa lahat ng serbisyo ng Google.
Suriin ang iyong mga setting ng privacy
Sa Privacy Checkup, mabilis mong mahahanap at mababago ang karamihan sa mga setting na ipinapaliwanag sa ibaba.
Suriin ang mga setting ng privacy
Pamahalaan kung anong aktibidad ang mase-save
Gamitin ang Aking Aktibidad para piliin kung anong mga uri ng aktibidad ang mase-save sa iyong account. Kasama sa mga halimbawa ang:
- Mga ginagawa mong paghahanap
- Mga binibisita mong website
- Mga pinapanood mong video
- Mga pinupuntahan mong lugar
Nakakatulong ang data ng aktibidad na mabigyan ka ng mas magandang karanasan sa pamamagitan ng mas mabilis na paghahanap at ng mas naka-customize na karanasan sa mga produkto ng Google.
Matuto pa tungkol sa kung paano kontrolin kung anong aktibidad ang mase-save sa iyong account.
Subaybayan at i-delete ang iyong impormasyon
Nakakatulong sa iyo ang mga resource na ito na suriin at kontrolin ang aktibidad na nase-save sa iyong Google Account.
Humanap ng pangkalahatang-ideya ng iyong dataBisitahin ang iyong Google Dashboard para tumingin ng buod ng data mo para sa iba't ibang serbisyo ng Google, tulad ng Gmail, Drive, at Calendar.
Iyong aktibidad
Hanapin at i-delete ang aktibidad, tulad ng naka-save na history, sa Aking Aktibidad.
Matuto pa tungkol sa kung paano i-delete ang iyong aktibidad.
Tip: Para madagdagan ang seguridad, puwede kang humiling ng karagdagang hakbang sa pag-verify para matingnan ang iyong buong history sa Aking Aktibidad.
Iyong mga file
Puwede mong hanapin at i-delete ang iyong mga larawan, email, dokumento, at iba pang file sa pamamagitan ng pagbisita sa may kaugnayang produkto ng Google, gaya ng:
Ang Timeline ay setting ng Google Account na gumagawa ng personal na mapang makakatulong sa iyong alalahanin ang mga lugar na binisita mo, rutang ginamit mo, at biyaheng ginawa mo. Kapag na-on mo ang Timeline, regular na sine-save ng iyong device ang eksaktong lokasyon nito sa device mo kahit kapag hindi mo ginagamit ang mga Google app. May opsyon ka ring mag-store ng naka-encrypt na backup ng iyong Timeline sa mga server ng Google sakaling magpalit ka ng device. Alamin kung paano i-back up ang data ng Timeline mo.
Ikaw lang ang makaka-access sa iyong Timeline. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong Timeline.
Mabibigyan ka ng Timeline ng mas naka-pesonalize na experience sa Google, gaya ng mga rekomendasyong batay sa mga lugar na madalas mong puntahan.
Kung may iba ka pang setting na naka-on gaya ng History ng Mga Serbisyo ng Search o Aktibidad sa Web at App, at ipo-pause mo ang Timeline o ide-delete mo ang data ng lokasyon sa Timeline, posibleng mayroon ka pa ring naka-save na data ng lokasyon sa iyong Google Account bilang bahagi ng paggamit mo ng iba pang site, app, at serbisyo ng Google. Puwedeng kasama sa History ng Mga Serbisyo ng Search at Aktibidad sa Web at App ang impormasyon tungkol sa iyong lokasyon mula sa general area at IP address ng device mo.
Halimbawa, posibleng ma-save ang eksaktong lokasyon mo kasama ng iyong mga larawan, depende sa mga setting ng camera app mo.
Nakakatulong ang data ng history at mga cookie para makakuha ka ng mas magagandang suhestyon sa address bar. Sa ganoong paraan, mas mabilis mong makikita ang hinahanap mo.
- Sa Chrome: I-delete ang iyong history ng pag-browse o cookies, o mag-browse nang pribado.
- Iba pang browser: Kung gumagamit ka ng Safari, Firefox, o ng ibang browser, tingnan ang site ng suporta nito para sa tulong.
Puwede mo ring kontrolin ang iba pang aktibidad sa Google.
Makakatulong ang impormasyong ito na mapahusay ang mga resulta at suhestyong natatanggap mo sa mga serbisyo ng Google.
I-edit ang personal na impormasyon
Bisitahin ang Tungkol sa akin para i-edit ang iyong personal na impormasyon at kung sino ang puwedeng tumingin nito. Makakatulong ang impormasyong ito para makaugnayan ka ng mga tao sa mga serbisyo ng Google tulad ng Gmail o mahanap nila ang mga pagkakapareho ninyo.
Alamin kung paano i-edit ang iyong personal na impormasyon.
I-edit ang personal na impormasyon
Baguhin ang mga setting ng ad
Puwede mong pamahalaan ang impormasyong ginagamit ng Google para magpakita sa iyo ng mga ad gamit ang mga setting ng ad.
Nakakatulong ang data na ito na gawing mas may kaugnayan sa iyong mga interes ang mga ad na nakikita mo.
Matuto pa tungkol sa mga Google ad at setting ng ad.
I-download ang iyong data sa Google
Puwede kang mag-download o maglipat ng data tulad ng mga larawan, email, dokumento, at contact anumang oras. Sa ganoong paraan, makukuha mo ang ginawa mong content kahit na huminto ka sa paggamit ng mga serbisyo ng Google o i-delete mo ang iyong Google Account.
Alamin kung paano i-download ang iyong data.